Ngayon ay pagdiriwang ng isang nilalang na sadyang hindi kayang tawaran ang lakas na nagmumula sa kanyang mga palad. Isang class S na nahuhugot ang espiritu mula sa kanyang mga panulat. Nakasama at isang kaibigan. Kapanalig sa ilang mga bagay at sadyang may kanyang mundo na natatangi sa iba. Mula sa langit ang kanyang taglay na talino at ang kapangyarihang nananangan sa kanya ay tila sulo na nagniningas subalit nakapagtatakang hindi nakapapaso. Ang tinta ng aking pluma ay bumabati sa iyo aking kaibigan ng maligayang kaarawan. Patnubayan nawa ng dakilang manlilikha ang bawat hakbang mo sa mundong ito. Mula sa ibinuhol nating tali sa loob ng apat na taon! Muli ang pagbati ko, ng aking kaisa at ng aking kulay................
Thursday, June 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment