Monday, June 18, 2007

Para sa iyo aking tatay!

Tatay salamat po sa lahat ng mga payo at gabay mo sa akin. Hindi ko po malilimutan ang mga bagay na ibinilin nyo po. Pasensya na rin tay kung naging pasaway ako noon. Alam ko nadismaya ko po kayo dahil sa paghinto ko sa pagpasok. Hindi ko po kasi alam noon ang gusto ko sa buhay eh, malakas pa ang hatak sa akin ng kabataan. At hindi ko talaga naging gamay ang buhay kolehiyo. Hindi ko napansin naliligaw na pala ako noon. Buti na nga lang po at nakabalik ako sa daan na dati sana ay dinaan ko na, kaya medyo huli pero hindi ganap na huli ako sa biyahe. Mahaba-haba din ang paghahanap ko sa dating ako, 4 na taon!

Naaalala ko pa noon ang sinabi mo sa kin anak mag-aral kang mabuti dahil wala kang maaasahan kundi ang sarili mong mga kamay, darating ang panahon na lilipas ako. Hindi ako aalis hanggat wala ka sa dapat mong puntahan. Ingatan mo ang nanay mo, ang ate mo huwag mong gagalitin lagi at ang kuya lagi mo siyang pakikinggan, alam kong hindi niya kayo pababayaan. Kung handa ka ng lumakad, sige na at ako'y may pupunthahan pa.Ito ang mga salitang sinabi mo sa akin tay ng huli tayong mag-usap. Tapos hindi ko akalain na iiwan mo na pala kami. Oo, kinuha na ng diyos ang aking tatay. Masakit pero Makabuluhan. Hindi ako makapaniwala, tama na ang lahat ay lilipas.


Hindi ko nagawang umiyak noon dahil alam ko andun pa sya para sa amin. Abala ang buong pamilya ko sa pag asikaso sa mga bagay-bagay. Kung saan ibuburol, ilang araw, kelan ang libing at sympre ang pag-asikaso sa mga nagiging bisita. Ako naman tahimik, nakikiramdam. Naaalala ko yung mga araw ko sa piling ni tatay. Kung paano nya ako paliguan, patulugin, ihatid sa iskul, isama sa sabungan(hehehehe), langgasin ang sugat ko, paluin, pangaralan, biruin at ang paghingi ko sa kanya ng piso. Hanggang ngayon alam ko nakabantay lang siya sa amin, sa bawat hakbang na gagawin ko, alam ko andun sya para umalalay kung sakaling matutumba ako. Tay, salamat po.. Hayaan mo tay, medyo maliwanag ang daan na dinaraan ko ngayon, kaya sa oras na marating ko ang dapat kong puntahan, bubuhayin ko ang mga alaala mo.


Nga pala tay, sayang at hindi mo na nakita ang pag-graduate ko. Nakatapos ako sa edad na 27 sa pang apat na kurso sa tulong ni nanay, kuya, ate at si Shamille. Hindi mo na din nakilala si Shamille, sya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko tay. Siya ang naging regalo sa kin ng diyos nung kunin ka nya sa min. Isang buwan lang ang pagitan nyo tay. Pagalis mo syang dating naman ni Shamille. Tsaka si Kulay nga pala 3 taon na. Apo nyo na po sa kin yan. Naku ang kulit tay, siguro kung andito lang sana kayo matutuwa kayo sa kakulitan nya. Tay, salamat ulit sa lahat. At pangako ko po syo tay na hindi ko pababayaan ang pamilya natin. Tsaka mahirap pala na masaya ang pagpapamilya.


Excited ako bawat araw, pero minsan talagang halos mapaluhod ako sa problema. Lalo na tay nung buntis si Shamille. Kababalik ko palang noon sa iskul eh 3rd yr. college ako nun at si Shamille naman tay eh estudynte pa rin. Kaya habang pumapasok eh nagmessenger ako. Halos may araw tay na oishi lang kinakain ko o kya kanin at manghihingi na lang ako ng sabaw. Kelangan ko kasi ng ipon para sa araw-araw na gastusin ni Shamille. Naiiyak ako pag-naaalala ko yun, minsan nasasabi ko sa sarili ko na sana ang buhay ay gaya ng dati"ang sakit ay napapawi ng laruan, candy at ng pagkalong mo sa akin".Dati pag-umiiyak ako ibibili mo lang ako ng laruan tapos kakargahin at malaya akong yayakap syo, at makakatulog ako sa bisig mo at pagising ko himala na wala na akong problema. Pero ngayon iba na pala tay. Nag-iiwan ng mantsa ang bawat pagkakamali ko. Iniisip ko na lang na maaring hindi pa ngayon ang "Big Game" ko at alam kong malapit na na yun tay. Gagawin ko ang bilin mo sa akin na >"minsan kailangan gamitin ko ang kahinaan ko, para maging malakas ako". Hindi ako papatalo tay, dumadaloy sa akin ang dugo mo na maghahatid sa akin sa bukas na matagal mong nang hinhintay. Malapit na ako tay...... Malapit na!

1 comments:

Anonymous said...

OK! toh! Happy Father's Day