Wednesday, June 27, 2007

Tula sa loob ng Tula

Ang pagbati mong mula sa puso
ay naihatid sa taong nagningas ng liwanag
sa muntik ng lamunin ng bangis ng panahon.

Ang tupa ay sadyang hindi nawala sa katotohanan ng pagkakaibigan,
hindi nabura,
bagkus ay bumubuo pa,
at pagdaka'y lilipas din.

Ang sulat ay may laman,
Ang sulat ay may puso,
Sumulat ka ng may pakiramdam

At ngayon sa mismong sandaling ito.....

Ang mundo ng teknolohiya ay sadyang naging daan,
upang mabuksan ang minsang naging pahina mo,
pahina ko,
at pahina natin!

Ang dami ng nangyari sa buhay at pagkatao.

Umasam at magwagi(walang masama)

Lahat tayo ay minsan ay nagiging hangal
ngayon..
lahat ay bumabalik
KLARO
AT
WALNG
KULANG......

0 comments: