Untitled
By: Erning
nakatanga sa bintana,nag-aabang na baka
may masilayang bitwin sa langit
at ang buwan, tumakas pa,tumakas pa sa akin
bakit sila ngayo'y nagtatago at sa aki'y nagdadamot?
humuni ang ibon ngayong gabi
umihip ang hangin
at ipinadama sa akin
ang tinataglay nitong lamig
lamig... lamig ang nadama ko
nung oras na iniwan mo ako
ang pag-ibig mo parang lobo
lilipad, puputok at ngayon maglalaho
dapat bang ako ang sisihin
kung bakit ika'y nagsinungaling sa akin?
tumingin ka sa salamin
at ang katotohana'y alamin
sarili mo, sarili ko
magkalayo na ng totoo
nilalang na tulad mo
wala na rin sa paraiso, sa puso
mapait at masakit..oo
ngunit nadama mo na ba ang nadarama ko?
ako'y aalis at magpapakalayo
upang ang kalooba'y hindi maging paralisado
sino ka nga ba sa akala mo?
bakit ang puso ko'y nagkaganito?
pusong malambot ngayo'y naging bato
pansamantalang aalis pero hindi magpapatalo
pakiusap, wag mo nang linlangin ang sarili mo
pakiramdaman mo ang paligid mo
subukan mong tumingin sa likuran mo
sumusunod pa ba ang anino mo sa'yo?
isasara ko na ang bintana ko
dahil ang mga bitwin sa langit
ay tuluyang nang nagtatago
ngingiti na lang at sisipol
huhuni ulit ang ibon
iihip muli ang hangin
sa buwan ako ay maglalakbay
at bubuhayin muli...
ang puso kong pansamantalang namatay
(Ito'y gawa ng aking klasmeyt nung college na si Erning)
Sunday, August 12, 2007
Untitled
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment