Thursday, September 27, 2007

Pagdating ni Loveyyyyyy

Eto na at natasahan na muli ang aking lapis kaya may bago akong kwento. Tungkol ito sa pagdating at pagpapakasal namin ng girlfriend ko. September 15 ng hapon ng dumating sya Pilipinas mula sa bansang Australia(Imported ang girlfriend ko, amoy Cadbury....hehehe). 1 month lang siya dito kaya nga medyo busy talaga ko dahil sympre gusto ko din sulitin ang mga araw na andito sya(hindi yung iniisip mo.. BAd!).

Umaga pa lang ng Sept 15 excited na talaga ako, kaya maagap kami ng baby namin dumating sa NAIA para sunduin sya, 1 hour prior sa pagdating niya eh andun na kami sa airport. Kinakabahan ako at hindi mapakali, si Kulay(baby namin) hindi na din mapakali dahil may gerbaks pala sya sa diaper(Joke). Pareho kaming excited ni Kulay kasi love namin si "Mommy" eh. Habang nag-aantay, nagmamasid ako sa ibang kasabay naming susundo din sa mga mahal nila sa buhay. Nagtataka ako bakit parang hindi ko sila kakitaan ng konting pananabik man lang. Grabe ka-casual yung dating nila. Nakaupo lang at parang walang hinihintay. Ibang klase talaga, parang kami lang ni Kulay ang excited dun eh.

Eto na at may lumapit na lalake sa tabi namin at kinausap ang kasama niya at ito ang alam kong eksaktong sinabi nya:

"toh(malambing na boses), nagtxt sa akin si auntie toh, andyn na dw sya sa loob toh(malambing pero mabilis)". Dahil excited talaga ako, hindi ko napigilang magtanong sa mamang lalake.

"Sir excuse po(mas malambing na boses), yung lumapag po bang eroplano eh yung galing Australia po ba? Hindi ko po kasi narinig yung sinabi kanina eh". Biglang ngumisi yung mamang lalake at sabay sabi:

"Autralia toh? Galing Cebu yung Auntie ko toh!"(with matching ngising aso).

Linsyak! Domestic pala yung napuntahan namin, kaya pala walang excited dun eh, sa probinsya lang pala galing yung mga inaantay nila. Baka may galing lang Cavite dun eh. Kuwatog talaga!!! Kaya agad akong nagtanong sa guard kung saan dapat kami maghintay. Buti na lang kamo at dun lang sa likod ng domestic yun sa may NAIA din kaya konting lakarin lang.

Pagdating namin dun ni Kulay may mga lumalabas na, kaya agad kaming nagpunta dun sa wide screen para tingnan si "mommy" namin. After 10 minutes ayan na sya, mabilis na ang tibok ng puso ko at para akong kinakapos ng hininga(ale, tubig plsss..). Gusto ko ng maiyak hindi dahil nakita ko na si "mommy" naim, kundi dahil ang sakit na ng balikat ko dahil buhat-buhat ko si Kulay. Ayan na sya at palabas na ng pinto(parang gusto ko na syang puntahan, ang tagal kasi nung guard mag-tsek ng gamit eh). Paglabas nya ng pinto hindi ko na napigilan ang sarili ko, sumigaw na ako ng "LOVEYYYYYY"(tawagan namin.....nagba-blush ako). Ang bilis nya magtulak ng push cart halatang sabik na din sya sa amin ni Kulay.

Hindi ko sya agad niyakap kasi para bang naninibago ako o starstruck lang talaga o excited ba o ewan ko. Siguro 3 seconds yun tapos niyakap ko na sya. Grabe ang taba niya(aray!!! binatukan nya ako ngayon, andito pala sya sa likod ko, gising na pala ang bruha.Joke! Labyah.muahhh kiss muna). Kasama nya ang tito nya na empleyado ng PAL kaya siya ang ngahatid sa amin pauwi sa kanila. Wala naman kasi akong CArrr o Wheelsss man lang eh(konyong boses). Kaya kung wala yung tito nya, malamang sa cab(american accent) kami sumakay pauwi. Thank God!(Visayan Accent).

7pm na kami nakarating sa bahay at sympre isang umaatikabong kwentuhan ang naganap. 10 "kumusta" ang narinig kong salita, 13 na "pumuti ka", 1 "gumanda ka"(lola pa nya ang nagsabi...hehehe) at ilang mga common words na binabanggit tuwing may mga bagong dating galing ibang bansa. 11pm nadin kami nakahiga at nag-kausap dalawa. Kaasar nga kasi ayaw agad matulog ni Kulay(hehehe). Pero sa totoo lang natutuwa ako kasi safe siyang nakauwi. Salamat sa diyos. Hanggang ngayon masayang-masaya ako kasi nakumpleto na naman kami. Ako, si Kulay at si Loveyy. Yan na lang muna at baka tamarin kayo magbasa. Next time kwento ko sa inyo yung kasal namin. Salamat sa pagbabasa, hanggang sa muli...... Godbless..mwahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

9 comments:

GraceMags said...

wow. huhuhu. very touching and uplifting yung story nyo. pwede ka nang mag model sa duty free na advertisement. joke. really, talagang very touching. congrats. i'm happy for you

zkey said...

Tnx.....Naiiyak tuloy ako.. Babaw lang luha ko eh...

GraceMags said...

just dropped by your wife's blog. malako na pala si kulay ano? akala ko toddler pa. wow happy kid at happy family :)

leizlmarie said...

with those words written in your post its really pretty obvious, happy ka nga talaga.. good for you.. sweet nyo nman...! hehehe..

god bless..

deng said...

hahaha.. oi invited ga ako sa sakalan?

deng said...

ala gang pang outdoor na dala diyan?

sandybeaple said...

Congratz! ;D

pen palaboy said...

musta neh?
kay tagal na ah..balita na sau?
nagyopn ng ko napadaan kc dko makatulog..jet lag..kuno ehhehehe!anyways..masaya ko kc ang saya nyong family..palakpakan til fade!

ingat dood pare tol!

babybluebellebj said...

elow po kuya!hehe!ngayon na lang ako ulit makakapagcomment!ang ganda po ng story u!antayin ko po yun sa kasal u ha!im praying for your happiness! miss you kuya!pakamuzta na lang po sa mag-ina u khit di nila mi kilala...hehe!