Tuesday, October 23, 2007

Mindoro Adventure

Eto na naman ako. Oo tama, simula na ulit ng masayang kwentuhan natin. Grabe 6 weeks ako halos hindi nakapagkwento syo noh. Sensya na huh. Dami talaga inasikaso eh at lagi akong wala sa bahay dahil paalis-alis nga kami ng wifey ko.

First adventure namin atfer ikasal eh sa Mindoro kami nagpunta. Madaling araw pa lang ng Sept 28, ay umalis na kami ng bahay para masarap ang biyahe dahil wala pa ang haring araw. Kung ako kasi ang masusunod sa bawat lakad ko eh gusto kong alis ay pag hindi madaling araw eh yung gabi na talaga. Hindi ko masyado trip yung rush hour ang alis dahil bukod sa trapik eh siksikan minsan sa Bus.


4am kami umalis sa bahay at 4:30 exactly umalis ang Bus na sinakyan namin papuntang Batangas Pier. Yahooooooo! Excited kami pareho at talaga namang pareho kami nakatingin sa bintana. Para kaming bata na sabik-sabik makita ang bawat dinadaanan ng bus. Pareho kasi kami ng ugali na sinusulit ang biyahe, hangga't kaya ng mga mata naming mananaw sa paligid, sinasagad namin. At ito masarap dun, naglalaro kami ng "hanapin mo ang salitang"(yung makikita mo sa loob o labas ng bus)hahahaha. Inantok sya sa bandang Laguna pa lang at bumalik ang ulirat ng nasa Lipa batangas na kami.

7am kami nakarating sa Batangas Port at malugod kaming sinalubong ng mga Batangueno.
Linsyak pagdating sa checker sumabit ang dala kong butane. Bawal pala yun so wala akong nagawa. Pagpasok namin sa loob eh nag-breakfast muna kami at inantay namin yung fareboat na sasakyan namin. 8am na dumating yung bangka kaya dumating kami sa Muelle Puerto Galera ng bandang 10am na.
Hindi pa talaga yun ang destiantion namin dahil papunta pa kami dun sa White beach na tinatawag. Yun kasi yung sikat sa Puerto Galera pero pasintabi na po, dahil pareho naming hindi nagustuhan yung place. Malinis naman sya, yun nga lang ang daming bar at crowded na yung place at mukhang maingay pag-gabi. Kung dun kami, parang di rin kami umalis ng Manila, mukhang baywalk kasi yung dating nung place eh at pareho kaming hindi mahilig sa nightlife kaya siguro ganun. Pero maganda yung place at mag-eenjoy talaga kayo kung mahilig kayo sa beach party.


Pagdating namin ng Whitebeach eh nagtry kaming maglibot muna tpos kumain ulit at napagdesisyunan namin na lumipat na lang sa Cocobeach. Ito yung island na nakita namin sa internet na dapat magpapabook kami kaso sabi ko wag na lang dahil baka may makita pa kaming maganda at mura. So biyahe na naman kami papuntang Puerto Galera at this time sakay naman ng tricycle. Ganda ng place na dinaanan namin, ang linis at oxygen talaga yung malalanghap mo. Pagdating namin ulit sa Muelle, sumakay kami ng bangka(180.00Php) patungo naman ng Sabang Mindoro para sa Coco beach. So walk-in kami dun at malugod naman kaming tinaggap. Mganda sa island na ito pero may kamahalan(dollar rate eh). Pero sulit......


Kumuha kami ng kwarto na native.
Gawa sya sa pawid at yung style ng place eh para kayong nasa gitna ng gubat(Astig). Kita nyo yung beach kasi may balcony. Tapos may tinatawag silang service family. Ito yung mga locals na nakitara sa island na pwede nyong abalahin kung may kailangan kayo o may problema sa kwarto.

Paano sila tatawagin? Astig toh! Sa may balcony may makikita kang lubid na nakakonekta sa mismong bahay ng service family. Tapos hahaltakin mo lang yun at tsedeng!!! Mabilis kayo nilang pupuntahan sa room para sa anomang kailangan nyo. Walang bayad yun, as in libre. Nakalagay din sa room ang picture ng service family nyo at kung sino-sino sila. Mula sa tatay hangang kay bunso. Sila din ang pwede nyong kausapin kung nagsasawa na kayong maligo sa beach o sa swimming pool.


Pagdating namin sa first room namin eh, nagpahinga muna kami at natulog. Bandang 3pm ng magpasiya kaming maligo. Sarap sobra kasi ang linis at tahimik yung place. Nagtampisaw kami at nagkulitan. 5pm nang magbanlaw kami at nagpasyang magkwentuhan na lang muna sa room namin. nagtatakutan pa nga kami eh kasi may nari2nig kaming tuko sa place. Eh sakto takot pala siya.hahahaha. Hindi na namin napansin yung oras hanggang sa hindi na kami nagdinner kasi busog pa naman din kami kaya natulog na lang kami.

Kinabukasan mga bandang 7am ay nagpunta kami sa Resto ng island para mag-almusal. May continental breakfast kasi kami kaya libre. Naku po... Ang daming nakahain at ang sasarap, at ito mga ang sumusunod: fried rice, menudo, boiled egg, jumbo hotdogs, bacon, ham, cream of mushroom, tpos may bread and butter din kumpleto. At sa maiinom andyn ang mga fresh fruit juices nila tulad ng watermelon(wow), greenmango shake, pineapple juice, melon juice, orange juice, kiwi shake at H2O. Sa dessert ay mananakam ka sa fresh fruits gaya ng manggang hinog(marami akong kinuha), saging, melon, papaya at ubas. Pwede ka rin mag-paprito ng itlog kung ayaw mo ng nilaga, at may isda din sila na kung gusto mong ipaprito gaya ng danggit(naku po) at dinaing na bangus with atsara(linsyak gutom na ko). May coffe din at kung gusto mo isang petsel pa. Hindi tlaga yun yung continental breakfast namin dahil para lang pala yun sa nagpa-package ng 3days and 2 nights. kung gusto daw namin magdagdag na lang kami ng 150 per person para dun na din kami sa buffet table. So yun ang ginawa namin. Sympre alangan naman kami lang ang naiiba dun diba, puro turista pa naman yung kasama namin. 6 lang kaming pinoy na nakita ko eh. lahat pala sila package na. kaya kung nag-pabook kami sa Cocobeach dito pa lang sa Manila, sila ang kasama namin sa biyahe. Kasi lahat sagot ng resort mula land transpo at boat transfer from batangas to Cocobeach.

After Breakfast nagpasya kaming lumipat ng kwarto kasi natatakot siya sa tuko eh kaya lumipat kami sa Herigae room from babana deluxe. Ganda ng 2 naming kwarto, aircon at cozy yung dating. Italian style yung loob at malaki at may T.V and DVd. At ang service family ay hindi lubid kundi by phone.
After maglipat ng gamit nag-isip kami ng pwede pa naming gawin. At hola! Nagpasya kaming mamasyal ng Mindoro dahil tutal safe na yung gamit namin at gusto naming masulit ang adventure.

Kaya una naming pinuntahan ang Mangyan Village kasama ang nakilala naming ale na si ate Beth. Pinayuhan muna nya kaming mamimili ng pagkain na ibibigay sa mga bata habang sya naman ay humahanap ng maaarkilang sasakyan. Bumalik kami sa town proper ng Puerto para mamili at dun din kasi ang sasakyan namin papuntang Mangyan village. 1 hour din ang biyahe at habang nasa sasakyan eh excited talaga kami. Pagdating sa place iginala kamuna kami ng driver sa loob ng lugar at mya-mya pa ay naglapitan na sa amin ang mga bata kaya pinapila ko sila para maayos namkng mabigyan ng mga biskwit tsokolate at gelatin.
NAg saya namin dahil kahit sa munting paraan na yun ay nakita namin na napasya namin sila at talagang na-appreciate nila yung mga dala namin. Sila ang tribu Iraya. Isa sa pitong tribu ng mangyan sa Mindoro. Iisa lang din daw ang lengguahe na kanilang gamit at ito ang Scottish accent(joke).
May bundok nga dun(mt. Masimbulo) at falls kaso hindi na namin pinuntahn dahil hindi namin nadala ang gamit naming pang-akyat. Next time na lang siguro(pareng Jhunnel ganda dun baka pwede ka akyatin natin tsaka virgin pa yung place). After ng konting chit-chatting with their chief captain na nalimutan ko ang pangalan eh bumalik na kami ulit sa point of origin namin, ang Eden este sa CocoBeach pala.


2pm palang ng hapon at bitin si misis sa pasyal kaya balik ulit kami ng Muelle at nagpasyang pumunta naman sa Calapan Mindoro. 1:30 hours ang biyahe at maganda rin ang scenery. Jeep ang aming sinakayan at ang pamasahe ay 70Php ata kung hindi ako nagkakamali. Saglit lang kami dun dahil may last trip pala pabalik ng Puerto Galera. Kaya konting lakad-lakad, tingin-tingin at kain sa Jollibee at nag-withdraw na rin kami dahil walang ATM sa Puerto. After ng konting kodakan bumalik na ulit kami sa Galera. 7pm kami nakabalik ng island proper ng Puerto Galera at wala ng bumabiyaheng bangka.(Linsyak) at ito pa, umuulan kaya sumilong kami sa pasara ng tindahan ng souvenir at namili na rin ng t-shirt pasalubong sa aming mga minamahal. Salamat sa diyos at may bangkang parating at dahil gabi na doble ang bayad namin sa kanya. Ok lang basta makabalik kamisa resort dahil nabasa kami ng ulan.

Pagdating namin sa place ay agad kaming naligo at nagdinner sa Resto nila. Wow sarap kumain dahil may acoustic band.
Puro locals nila ang mga tumutugtog. Tuwang-tuwa nga yung mga puti at mga koreano eh. Pagtapos ng dinner bumalik na kami sa room namin at nagpahinga. Sabi namin bukas enjoyin namn namin yung resort kasi dami namin hindi pa napupuntahan eh. Kaso ito ang masamang balita 8am ang check-out bukas na dapat ay 12nn. May bagyo kasi kaya manabuti ng management na agahan ang alis para hindi maalon. Wala kaming nagawa kinabukasan kundi ang mag-breakfast na alng at mag-impake. Ok lang nagala naman namin ng konti ang Mindoro. Kaso marami din magandang place dun sa Cocobeach gaya ng Cablecar, silent pool(keep quiet) at kung ano-ano pa.


Naulan ng lisanin namin ang CocoBeach at ganun din ang sitwasyon hanggang batangas. Buti na lang kamo at may sundo nga kaming tourist bus. Grabe hindi ko malilimutang ang adventure na yun kasi bukod sa maganda yung mga place eh kasama ko ang pinakamamahal kong babae tsaka naibahagi din namin sa iba ang biyayang tinatanggap namin mula sa itaas.(Sigh......) Sana yun pa rin ang araw na yun para kasama ko si lovey. Pero ganun talaga eh kailanagan lumakad ng panahon at hindi naman kailangan maiwan. Salamat po diyos ko sa lahat. At para sa babaeng pinakasalan ko. Ulitin natin yun huh.....Ulitin natin............ MAHAL NA MAHAL KITA!!!!MAHAL NA MAHAL.....

1 comments:

GraceMags said...

wow. kakainggit talaga grabe. hehe. di ka pala mahilig ng night life? :)