Hellllloooo mga peeps, eto na naman tayo para sa isang kwentuhan. Saan tayo ngayon? Saan pa eh di sa summer capital ng Pilipinas (Baguio City). Oo dun nga! Siguro nakapunta ka na din dito? Grabe ang sarap talaga dun noh, para ngang gusto kong magkabahay dun eh. Malamig ang klima at parang hindi ganoon katas ang cost of living dun( ewan ko din huh).
Ito ang huli naming pinuntahan ng wife ko kasama ang aming "Kulay" at ang pamangkin kong si Zynco at ang aking nanay na si "Ka sita"(hehehe). Gabi na kami ng dumating sa Baguio dahil hindi masyado na plano ang pag-alis namin. 4PM ng sabado ng lisanin namin ang Victory Liner sa Pasay at lumapat ang aming mga paa sa Baguio bandang 11PM na din. Buti kamo at sa tapat na ng hotel (Summer Place Hotel) yung bimabaan manin, kaya hindi na din kami nahirapan ng husto.
Pagdating namin sa place ay agad naman kami inasikaso(kahit walk-in lang kami dito). Kuha kaagad ng kwarto (Sweet room) at mabilis kaming dinala dun ng bell boy. Pagpasok ng kwarto naku linsyak naghabulan kaagad si Kulay at ang pinsan nya na si Zynco(grabe tuwang-tuwa). Maganda kasi yung kwarto namin.
Bukod sa maluwag eh carpeted ang buong floor at 2 malaking kama ang naghihintay sa mga pagod naming katawan. Nakatitig lang ako sa kanila habang nag-aayos naman ng gamit si nanay at wifey ko para sa isusuot namin bukas para sa aming pamamasyal. Natutuwa talaga ako sa tuwing nakikita ko ang buong pamilya kong masaya at maayos(lahat naman siguro). Pasado alas-dosena din ng matulog kami.
Kinabukasan ay mabilis kaming nag-almusal para sa aming continental breakfast at mabilis na naligo para sa pamamasyal. first stop namin ay ang Burnham Park. Yahoooo ang saya kasi nagbangka kami.
Tuwang-tuwa si Kulay tapos nagpapalobo sya nung binili naming hinipan na may sabon at tubig(alam mo ba yun). 100Php(per hour) ang arkila sa bangka at kung may kasamang guide ay magdadagdag lang ng 50Php. Sulit sya at talagng mageenjoy kayo. Pagtapos namin sa bangka napagtripan naman namin mag-bike, yung may sidecar at nagprisinta pa ang wifey ko na sya ang mag-drive.(grabe para kaming nakasakay sa Camel sa bagal niyang mag-drive. 30Php lang ang arkilaper hour pero 30minutes pa lang eh sumuko na ang macellulites na hita ng misis ko(peace lovey).
Next stop namin ay ang The Mansion,
so gaya ng dati ako ang official photographer. Kainis ng konti kasi hindi marunong kumuha si nanay. Nakakatawa nga eh kasi sinisilip nya ang digital camera(hahahahahahaha). Nanay talaga.... Sinubukan namin magpakuha ng ilan kay nanay pero pag hindi tabingi ang kuha eh putol ang kalahating katawan namin.(hahahahaha). Pagtapos namin sa The Mansion eh nagpunta naman kami sa Mines View park.
Yahooo na naman dahil first time ko dun, nakikipagunahan pa ako kay Kulay sa pagsakay ng kabayo eh.
10Php kada shot at meron din dun na nakapang-igorot kayong hat at naku ang daming souvenir store at dun na nga namili sila nanay ng mga pasalubong sa mga alaskador naming mga kamag-anak.(hehehe). Tapos konting lakaw-lakaw at naisipan namin pumunta naman sa Horseback riding park(hindi ka lam yung tawag sa park na yun, imbento ko lang yan). 150Php per hour pero kung gusto mong lumabas ng park at ikutin ang buong Baguio ay itakas mo ang kabayo(Joke).
Kailangan mong magdagdag ng 150 Php pa para makalabas ka ng park at para makagala kayo ng husto. So, yun ang aming ginawa 2 kabayo, kasama ko si Zynco tapos ang wife ko naman ay kasama ang aming "pilyo de unico hijo"(ang kulit mo kulay). 1 hour of breathless ride ang ginawa namin habang si nanay ay nagbabantay naman sa aming gamit with matching munchy-munchy with her favorite corn.
After nun ay muntik pa kaming inabutan ng ulan. Buti na lang kamo ay nakabalik na kaagad kami sa point of origin namin. Ayun biglang buhos ng ulan kaya nakisilong muna kami sa cowboy's camp (imbento ko lang tong name na toh). Sakto naman at umpisa na ang laban ni "Maaannnnnnnyyyy PAkyewwwwwwwww".
Nakinuod muna kami pero hindi din namin natapos dahil tumigil na agad ang ulan at gutom na sila nanay kaya pumunta na agad kami sa SM Baguio. Lunch to the max at grabe gutom na gutom na din talaga ako.
2pm na kasi din yun kaya nanginginig ako sa gutom. yung tipong nanginginig yung mga kamay mo habang nasubo ka, OO alam ko naranasan mo na yun. After namin kumain ay nagikot-ikot kami ng SM pero hindi namili(naubos ang pera sa Mines View) Tsaka pareho din lang naman ng SM Makati yun eh. Pagtapos mag-ikot ay dumiretso kami sa Groto
tapos dun eh bumalik na ulit kami sa tinuluyan namin para magpahinga. Dinner na ng bumalik kami sa SM Baguio pero hindi natuloy ang plano naming mag-ikot sa Session road kasi umulan. So, after dinner balik ulit sa hotel at dun na lang kami nag-gala sa loob ng kwarto. Lights-off kami ng bandang 11pm at nagising ng 6am 2010(kapagod eh). Gaya ng dati breakfast muna tapos ligo at gala na ulit. Gusto namin sulitin yung last day namin kaya todo na toh.
Una naming pinuntahan eh yung Botanical Garden, tapos diretso kami Good Sheperd para sa mga paborito ni misis na spread. Tapos lunch muna ulit sa SM tapos gala naman ng Session Road at diretso na din sa pamilihang bayan ng Baguio para mamili naman ng walis tambo. After sa palengke hindi na namin nagawa pang pumunta sa iba pang place gaya ng CJH, PMA, crystal cave at marami pang iba, dahil kailangan namin mag-checkout ng 3pm. So no choice kami kundi bumalik sa hotel at ayusin na ang gamit.
4pm din ng lumisan ang bus namin sa Victory Liner Baguio. Grabe ang saya talaga, nanananaw kaming lahat sa bawat madaan ng bus namin. Sinasariwa ang mga alaala ng kahapon sabay sa background music sa bus ng "My Humps" ng The Black Eyed Peas. 10pm kami nakarating ng Pasay sa sobrang bilis magpatakbo ng mamang driver. Ayusssss talaga dahil kahit papaano eh sulit ang punta namin sa Baguio. Sarap talaga kapag kasama mo ang pamilya mong namamasyal, kahit pa banana-Q lang ang kainin nyo sa merienda o nilupak sa umaga. Hindi pa rin matatawaran ang mga tawanan at kulitan. Yun yun eh! Pagiging simple at masayahin natin. At higit sa lahat salamat sa diyos dahil safe kamiing nakarating at nakauwi ng Manila. "Hanggang sa muli kaibigan.... Kita tayo at usap tayo(Boy Abunda). Godblessssssss
Thursday, November 8, 2007
Baguio Adventure
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



2 comments:
huhuhu. miss ko na ang bagyo. magkano naba ang pamasahe ngayon z?
dad miskn ang pagpunta ntin s baguio. ang srap don noh.....sna maulit uli..ILOVEYOU!!!
Post a Comment