Exercise ang isa sa mga pangunahing kailangan ng katawan natin. Ayon sa mga eksperto, mainam daw ito para mag-circulate ng maayos ang dugo at mabawasan ang mga fats sa katawan. Tapos dagdag pa diyan ay ang pagiging masigla din ng mga cells natin tuwing tayo ay nag-eehersisyo. Kaya nga nung Lunes ng umaga (5:30am) ay nag-bike ako gaya ng ginagawa ko tuwing kumpleto ang tulog ko(pag-off ko lang nangyayari toh). Masarap mag-bike lalo na kung may bike ka. Mahirap din kasi yung rent ka lang sa mga park tapos limited pa yung pwede mong ikutan. Iba pa rin yung sarili mo kaya kahit saan ay pwede kang pumunta. Ganun nga ang ginawa ko nung Lunes ng umaga.
Gaya ng nakagawian ko na, naguumpisa ako sa bahay papuntang CCP(Cultutral center of the Philippines) at doon ay hihinto para sa isang set na dance-aerobics(hehehe). 20Php lang naman ang bayad dito at talaga namang pati singit mo ay pagpapawisan sa bilis ng tugtog na kailangan mong sabayan. Grabe puro remix ang tugtog kaya hindi magkamayaw ang paa at kamay ko kung saan ba pupunta. Basta sinasabayan ko na lang yung mga nasa harap ko. Pero pag minalas-malas ka at parehong kaliwa ang paa ng nasa harap mo(gaya ng misis ko, PEACE!!!) eh magkakabuhol-buhol ang mga paa at kamay mo sa pagkalito sa kanya. Sa likod kasi ako napuwesto dahil medyo nahihiya ako sa mga taong makakakita ng kembot ko(hahahahahahaha).
Iba't-ibang klase ng tao ang sumasali dun: May doktor, teacher, navy, kadalagahan(18-25 yrs. Old, Ehem! LOVE YOU MOMMY), badingersi, lesbo, housewife, sweet couples, senior citizen at emo(\m/). Pero malaking porsyento na puro may edad na ang sumasali dito. 3 set lang ata yun kada araw, at ako ay nabibilang sa Monday group(naks! that's entertainment ang dating) dahil sunday ng gabi ang wala kaming pasok. Magsisimula sila 6am at natatapos ng 9am. Madalas kong abutan ang first set na bahagya ng naguumpisa(matagal ako mag-almusal eh). Tapos ipark ko na ang sasakyan ko(bike ko) para humanap na ng magandang puwesto(hindi sa likod ng girls, promise pa Lovey....). Tapos dahan-dahan na akong sasabay sa mala-Lydia De-Vega na bilis ng tugtog.
After ng 1 set, pahinga ko tapos palit ng shirt at umpisa na ng pamamasyal. Madalas kong ikutin ang buong CCP. Mula dun hangggang PICC, Folk Arts, Film Center of the Philippines(marami daw mumu dito). Tapos didiretso ako sa House of Senate(dun ako madalas mag-taho) at papuntang Mall of Asia(dun maraming cyclist at bike lover). Pero iba ngayon ang pinuntahan ko after kung mag dance-aerobics. Saan? Malapit lang din naman sa CCP. Malate!!!!!! Oo dun ako nagpunta.
Dumaan muna ako sa Philippine Navy para magpiktyur-piktyur tapos pahinga para bumili ng buko juice(hiningal ako sa aerobics eh) tapos diretso ako ng baywalk(piktyur-piktyur ulit). At dumiretso na ng Malate. Ang sarap dahil walang trapik dahil maaga pa, kaya sinamantala ko ang pag-iikot. Malas nga lang dahil 50Php lang ang laman ng beltbag ko at nabawasan pa ito ng 20Php(Aerobics) 5Php(Buko Juice) at 5Php pa(hindi ko alam kung nahulog ba ito o kulang ang sukli sa akin. Hindi tuloy ako nakakain sa mga karinderya ng Malate(kainis). Kaya matapos ang konting pagiikot-ikot nagpiktyur-piktyur ako sa Malate Church.
Ito ang church ng wifey ko. I mean, Malatean kasi sya, kaya very dear sa kanya ng church na yun. Kaya nga gusto niya na isa yun sa mga simbahan na pagpipilian na maging lugar kung may budget na kami sa isang maganda, pabuloso, engrande at umaatikabong church wedding. Joke!!! Gusto ko simple lang (garden wedding hahaha)
Matapos ang piktyur-piktyur at pakikipagpalitan ng kwento sa manong guard ng Malate Church, ay matulin kong pinatakbo ang aking bike dahil gutom na gutom na ako at wala naman akong pera pang-kain. 3 pandesal lang at kape ang kinain ko kasi bago umalis ng bahay eh. At pagdating ko sa bahay ay papasok pa nga pala si Kulay ng 10am kaya madali ko siyang pinaliguan at binihisan. Bili kami ng favorite niyang baon, ang walang kamatayang Oreo at ang paborito ng lahat ng bata na Magnolia Chocolait. Habang naglalakad ay binilinan ko siya na be good boy, huwag kunin ang pang-tatak ni teacher at tatakan ng star yang mukha nya. Kasi nung isang isang araw puro stars ang mukha nya eh. Ang hirap pa namang tanggalin, kaya nga 3 days syang pumasok na may "MGA" star at verygood sa mukha. Pagkahatid ko sa kanya ay lakad-takbo ako sa bahay para KUMAIIINNNNNNNN. Nanginginig ang aking mga kamay. Pero sulit naman ang bawat subo dahil favorite ko ang ulam(sinaing na Tulingan at Pinakbet). Sarappppppp.......(burp...). Next time kuhanan ko din ng piktyur ang SEnado at Mall of Asia. Tapos Ermita naman ang kwento ko sa inyo. Cge hangggang sa muling pagbabasa... Nagising na si Kulay eh, at naglalambing. Yan nagwawala na... cge...
Friday, November 23, 2007
Lunes ng umaga(pero hindi lagi)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



2 comments:
nako. sumayaw pa. di ko maimagine. hehehe.
uy kumusta ka na? saan ka naaksidente? sa pag akyat?
hahahaha!!! Ok na ako. Salamat....
Naputol yung batong hinahawakan ko kaya muantik na akong malaglag sa kawalan.
Post a Comment