Monday, November 12, 2007

Mt. Manalmon

Nung Sabado ng umaga after shift sa work ay hindi ko alam kung bakit para bagang hindi ako mapakali at tila hinahatak ng mga paa ko ang aking sarili upang pumunta sa isang lugar na malayo sa maynila. Siguro dahil matagal-tagal na rin akong walang akyat(bundok) at biyahe. Bagama't may plano kaming magkakaibigan na lumakad sa Nov 19, ay hindi ko alam kung bakit para akong sinisilihan sa pwet at kailangan kung umalis ng bahay. Kaya bilang tugon sa hiling ng katawan ay inaya ko ang aking kaibigan na si Jhunnel para sa isang 1 day climb sa Mt. Manalmon(dun namin plano pumunta) sa may San Miguel Bulacan. Kaso dahil uraurada ako mag-aya at dahil para akong gago, hindi nakasama si Oldskul( siJhunnel yan) dahil hindi siya nakapag-paalam sa kanyang boss. Labas-pasok ako sa kwarto ng bandang hapon at hindi ko mapigilan mag-isip ng simoy ng hangin sa bundok, huni ng ibon, ilog, trail, kwentuhan sa mga native ng posible kong puntahan at ang payapang handog ng kanayunan. nababaliw ako sa madaling sabi. Kaya napagdesisyunan ng praning kong katawan ang lumakad kinabukasan sa Mt. Manalmon. Bahala na kahit mag-isa, tutal adventure ang hanap ko eh di cge try ko mag-isa.(Introvert?)

Kaya pagising ko ng 3am ng kinabukasan(sunday) eh agad kong binuksan ang computer ko para itsek ulit ang IT na nakuha ko for Mt. Manalmon. Tapos continental breakfast(naks!) sa bahay. Matamis na bao at pandesal at isang petsel na iced tea. Kaya bago umalis ay humalik ako sa aking anak na natutulog at niyakap ang aking nanay na nakatingin sa kawalan habang nagtitimpla ng kanyang kape. Sabi ko huwag siyang malungkot dahil babalik ako at iyon ay isang pangako. Biglang sabi ng nanay ko "Gago! nalulungkot ka dyn, iniisip ko kung tumama ako sa lotto." Ngek.. kala ko pa naman nalulungkot siya dahil alam niya na mag-isa lang akong lalakad. Matapos ang mala-teleseryeng eksena namin ni nanay ay umalis na ako. 5am na din ng makaalis ako ng bahay dala ang pag-asang mararating ang dapat kong puntahan. Sa may 2nd avenue(Baliwag Transit) pa ng caloocan ako nakasakay ng biyaheng bound to Cabanatuan dahil yun lang daw ang dumadaan sa San Miguel Bulacan. Linsyak meron din pa lang nabiyahe ng Cabanatuan sa amin sa may Pasay(Five Star Bus) eh nagpunta pa ako ng Caloocan(kainis talaga ako, tangaaaa).


7:30am ng lumakad ang aming bus at excited ako na kinakabahan dahil hindi ko talaga alam ang pupuntahan at sa itinerary lang ako umaasa. Awa ng diyos eh nakarating ako hanggang Jump-off ng bandang 10:30am na hindi binabaliktad ang damit.
Yahooo!!! Sarap may ilog at buhay na buhay tapos ang linis talaga. Kaya hinanap ko agad kung saan ako dapat magparehistro at kumuha ng giya(guide). Ian ang pangalan ng naging guide ko at tila takang-taka siya kung bakit ako lang mag-isa. Sinabi ko na lang na pinarusahan ako ng diwata at hindi alam kung ba't ako napadpad dun.(hehehe). Habang tinatahak ang trail ay kinikwento nya sa akin lahat ng pedeng ikwento.

Gaya ng history ng cave, ng bundok, kabuhayan nila, tanim, lungaw(tawag sa gumagawa ng uling), ilog at kung totoo bang bading si Piolo. 11:45 ng marating namin ang summit ng Manalmon
at agad akong nagluto ng kakainin namin dahil gutom na din ako. Argentina cornbeef at 2 canton at kanin. Tapos nilabas ko ang pamatay na donut na binili for our minatamis. Pasado 1pm na kami nakababa ng summit at pagdating sa point of origin namin(bahay nila) ay kumain muna siya dahil mukhang hindi nasarapan sa luto ko. After 15 minutes ay kailangan ulit namin magtrek para naman sa cave adventure. 2:30pm ng marating namin yung cave.

Madlum cave(maikli lang toh) at yung isa pang cave na mukhang mas sikat pa kay Marvin Agustin at ito ang Bayukbok cave.

Grabe papunta pa lang eh adventure na dahil dadaan ka sa cable na patawid ng Madlum river. Walang tali sa katawan kaya pag-natawa ka at bumitiw ka, tiyak laglag ka sa ilog at tiyak pag minalasmalas pa ay makikita mo na ang ating mga pambansang bayani. Maikli lang naman yun at parang isang hanging bridge lang naman. Tapos lakad ng 30 minutes at voila Bayukbok cave na. Parang ayokong tumuloy dahil "ang dilim eh", buti na lang at dala ko ang headlamp ko at may dala din siyang flashlight. 45 minutes din siguro ang tinagal namin sa loob bago nakalabas sa kabilang lagusan. Grabeng adventure dahil talagang minsan kailangan mong maging lastik man para makalusot sa makipot na butas. Nagkapilipilipt talaga yung buto ko. Tapos madulas at malamig sa loob, pero sulit dahil ang ganda naman. Sabi ni kuya Ian pag marami daw ang papasok ay inaabot ng 1 oras mahigit dahil nga masikip sa loob. After namin sa Bayukbok cave ay bumalik na ulit kami sa bahay nila. Over ang dungis ko, maputik kasi sa cave at nag-acrobat nga kasi kami dun. Kaya pag-dating sa bahay nila ay agad kong kinuha ang gamit ko para maligoooooo sa Madlum river. After 15 minutes nagbanlaw na ako at nagready sa pag-uwi.

5pm ng umalis ako sa jump-off at nakarating sa mismong high-way ng 5:30pm. Buti na lang at hindi mahirap sumakay. Kaya nakarating ako sa bahay ng pasado 8pm na rin. Grabe ang saya ko talaga dahil kahit mag-isa eh maayos at ligtas akong nakauwi. Sa mga pangyayaring yun eh mas nakilala ko ang sarili ko. Nakumpirma ko na may pagka introvert talaga pala ako. Kasi kahit nung highskul pa eh nanonood na ako ng sine mag-isa at nag-gagala. Pero hindi naman sa lahat ng bagay eh ganun, may mga time din na gusto ko ng may mga kasama dahil masarap din kaya ang maraming kakwentuhan. Lalo na kung makwento din yung kasama mo.

Tsaka nga pala bago ko tapusin ito nais kong pasalamatan ang mga sumusunod: Mamang Konduktor(na nagturo sa akin na dapat kong babaan), Mang Boy(tricycle driver na naghatid sa akin sa jump-off at nagkwento tungkol sa town nila), kuya Ian(guide ko), ate Cecile(wife ni kuya Ian na pinagtimpla pa ako ng kape, Maraming salamat po), at higit sa lahat sa Dakilang Manlilikha(nagbabantay sa akin araw2 at sa iyo rin kaya mag-thank you kayo lagi everyday). Sa lahat ng fans ko(hehehehe), maraming salamat sa suporta, boss vic at at ang network na walang sawang sumusuporta sa akin ang KA-ATAY network kalaban ng KAPUSO. Sana matuloy ang plano namin nila Oldskul dahil gusto ko bumalik doon. Ibang klase talaga eh. Ibang klase......SALAMATTTTTT


(Info: 300Php ang guide kung 1 day lang, 600Php kung overnight at hindi pwedeng walang guide kaya mga kapwa ko umaakyat wag mag-magaling ok, sumunod sa patakaran)

3 comments:

oldskul said...

dude!! astig!! tuluyan ng nanahan sa iyong katauhan ang diwa ng kalikasan..

Zkey said...

Kailangan ng isigaw ang tinig na dati ay munting bulong OLDSKUL. Salamat sa pagiging kabigkis. Hanggang sa muling pag-ahon.....

GraceMags said...

hmmm. sa tingin ko talagang mas masarap gumala gala ng mag isa. kaso sa ibang parte ng pinas medyo delikado. galing ng adventure mo pre. :)