Thursday, December 20, 2007

Mahiwagang Sombrero

Medyo badtrip ako nung Linggo dahil sa hindi parehas na pagtingin ng mga tao sa ating mga kababayang Muslim. Napatunayan ko kung bakit may mga kababayan tayong mga Muslim ang galit sa mga kababayan nating mga Kristiyano.

Marami sa atin na nagsasabi na marami daw racist sa ibang bansa at kawawang-kawawa daw ang ating mga kababayan. Tama! Walang argumento dito. Pero naisip na ba natin na dito man sa Pilipinas ay talamak ang pagdidiskrmina ng ating kapwa sa mismo pang kapwa nya Pilipino. Totoo yan at napatunayan ko, NARANASAN KO! Paano? Ito na ang kwento....


Nitong Linggo ay pumunta ako sa bahay nila misis sa Sucat Paranaque para kuhanin ang passport ng anak ko dahil kakailanganin ko ito sa Lunes. Bago umalis ng bahay ay syempre naligo at nag-ayos ng sarili. Habang pinagmamasdan ko ang aking mukha kung may pagbabago sa salamin ay naisip kong isuot ang ibingay sa akin ni Papa(lolo ni misis sa Sucat yung pupuntahan ko) na sobrero na binili ni misis sa Indonesia. Maganda kasi sya at mahilig ako sa mga ganoong klase ng sombrero, bukod sa unique eh galing pa kay misis. Matagal na daw nakatambak yun, sayang naman daw at alam ni papa na magugustuhan ko yun kaya ibingay niya sa akin. Eto na ngayon, hindi pa man din ako nakakasaky ng dyip eh iba na ang tingin sa akin ng mga tao sa lugar namin(alam kong mgandang lalaki ako hehehe) pero siguro ay nakadagdag ng appeal yung sombrero ko(hahahaha) at yung bago kong eyeglasses. Pero nagulat ako ng tinawag ako ng barkada ko na "Abu-sayyaff". Gets ko na sabi ko na sabi ko sa sarili ko! Dahil pang Muslim ang suot kong sombrero kaya nya ako biniro nang ganun. Pero hindi ko akalain na makakaranas pa ako ng kakaibang karanasan dahil sa sombrerong iyon. Sumakay na ako ng dyip..

Napansin ko agad ang kakaibang tingin sa akin, medyo may bahagyang pag-iwas sa akin at manaka-nakang pagsulyap sa itsura ko. Hindi ko sila pinapansin dahil ganun na naman ang ugali ko(tumingin kayo hanggang gusto nyo wag lang kayo magpapaautograph). Hanggang sa makadating ako sa Sucat ay kapansin-pansin talaga ang pag-iwas sa akin ng mga tao na para bang may dala akong bomba, masama akong tao at para bang may nakakahawa akong sakit. Pero sa totoo lang, sabi nga ng kasamahan ko sa office na matino eh ok naman daw yung itsura ko mukha nga daw akong iskolar na Muslim. Ikinwento ko kasi kanya at sinuot ko sa office yung sombrero. At ito pa ang matindi pa sobrang ikinairita ko. Bago pumasok ng subdi nila misis ay dadaan ka sa guardhouse. Naka tricycle lang ako dahil wala naman akong sariling kotse bukod sa matchbox na laruan namin ng anak ko. Langya!!! Akalain mo na pahintuin yung sinasakyan ko at tinanong yung driver na "Saan yang sakay mo"? at sabay baling naman sa akin "saan ka pupunta"? At dahil sa asar ko eh sumagot ako ng may halong pag-aangas na din(pero mali) "Sa bahay namin, may problema ba"? Alam ko ginagawa niya lang ang trabaho niya pero obvious naman dahil sa itsurang Muslim ko kaya niya ako sinita. Eh kung tatanggalin ko ba yung sombrero ko haharanagin nya pa kaya kami? I don't think so, sobra siya at kung magtanong eh parang kakain ng tao.

Kaya ng ikwento ko sa bahay eh sabi ng nanay ko eh wag ko na daw isuot yun, pero alam nya na imposibleng mangyari yun dahil alam ni nanay na hindi ako basta mag-aalis ng mga nakagawian ko na ng dahil lang sa sinasabi ng iba. Pero alam ko na kung paano didistansya sa mga taong "MAKITID" ang utak. Alam ko ang obligasyon ko at responsibilidad tuwing isusuot ko ang sombrerong iyon. Tsaka wala naman sigurong masama kung sakaling isuot ko iyon dahil dala iyon ni misis at ibinigay sa akin ni papa.

Ngayon mas naiintindihan ko kung bakit ganoon ang hidwaan ng Muslim at kristiyano dito sa bansa natin. Hindi ako nagbibigay ng solusyon kundi salamin lang naman ng naranasan ko. Lubhang maselan ang mga bagay na yan at wala ako sa posisyon para maghain ng mga bagay na dapat gawin. Masyado na kasing naLabel ang mga Muslim sa mga kaguluhan kaya siguro ganoon. Pero marami din namang Kristiyano ang sangkot sa mga kaguluhan huh. Ano't ano pa man, pare-paerho tayong tao. Nagkakamali, nagugutom, nasasaktan at nagmamahal, kaya siguro walang dapat na itangi ang bawat isa sa atin. Kung may masamang Muslim may masama ding Kristiyano at kung may mabuting namang Kristiyano may mabuti din namang Muslim. Ganito kasimple!!!!!

"KUNG ANG IYONG MGA MATA ANG GAGAMITIN MONG PANGHUSGA,IKAW ANG TUNAY NA BULAG"

-Zkey

11 comments:

deng said...

alam mo ga insan madaming diskriminasyon dito sa atin. sa trabaho na lang, ekwelahan o dili kaya'y probinsyang pinaggalingan. Tama ka, pasyadong na-quo-quote amg mga kababayan natin muslim. may nabasa ka na ga sa dyaryo na "kristiyanong rapist tiklo!" wala diga? pero may mababasa kang "muslim nakipagbarilan sa pulis" gets mo?

deng said...

sobra nga yang pang diskrimina sa mga kababayan nating muslim. lalo na minsan sa dyaryo may babasa kang "muslim nakipagbarilan sa pulis patay" lagi na lang sila na qu-quote pero may nabasa ka na bang isinulat eh kristiyano (literal na salita) ang gumawa ng krimen? papayag kaya ang simbahan ng ganito "manyakis na kristiyano, nanggahasa, huli sa akto!" hehehhe...

zkey said...

Tama Insan. Nakalulungkot lang talaga isipin na lubhang malalim ng siyang pinag-ugatan ng lahat. Salamat sa komento. Pagpalain!!!

GraceMags said...

this is so true pareng zkey! yung husband ko taga mindanao. nung ininterview siya sa visayas para sa isang trabaho, grabe yung mga questions. inisip kaagad ng interviewer na muslim siya at mahilig sa gulo dahil taga mindanao siya. very sad situation talaga

zkey said...

nakakalungkot talaga pero wala naman tayo mgagawa maliban sa magdasal at humusga ng hindi ayon sa nakikita at naririnig. Ituring na ang lahat ay pantay-pantay. Salamat GMs!!

Anino said...

Nahihiya ako sa sarili ko dahil panay ang tuligsa ko sa mga diskriminasyon sa trabaho,pisikal na itsura, at relihiyon ngunit sa tuwing mapapadaan ako sa lugar ng mga Muslim sa amin, nakararamdam ako ng kaba.Hindi ko alam kung bakit.Ang aking kapatid ay isang Muslim.

zkey said...

Saludo ako syo Anino! dahil marunong kang tumanggap ng sarili mong kahinaan.. Pagpalain!! Maraming salamat!!!!

Anino said...

Naidagdag na kita.Nalito nga lang ako kung anong pangalan ang dapat ilagay.

kai said...

aynaku. totoo, mas matindi ang discrimination sa pinas kesa sa ibang bansa cos here in the uk, pde mo ilaban sa korte, eh sa atin? kimkimin mo na lng hanggang sumabog tsk tsk.

muslim ka pla! i always wanted to hear sides of a muslim, i used to work w/ a muslim tpos tanong ako ng tanong sknya. i found it cool. haha.

keep blogging!

zkey said...

Hindi po ako Muslim. Batangueno po ako. Mnagyari na may sombrero akong pang Muslim na bigay ng GF ko(wife ko na ngayon) na minsan magpunta sya sa Indonesia. hehehe

Pero cool nga makipagusap sa mga Muslim kasi dami mo matututunan sa mayaman nilang Kultura. Sobra...

Salamat sa pagbabasa... Pagpalain!!!

tiNa_piE said...

tama ka, marami talagang makikitid ang utak. wala silang pagpapahalaga sa individuality at uniqueness ng tao. tapos kung sino pa ang ganyang ka-kipot ang pang-unawa, sila pa yung angal nang angal na hindi sila maintindihan. queer noh? haha!