Sunday, August 12, 2007

Hanggang sa muli

Natuto akong sumigaw ng katahimikan
sa gitna ng mga nagkakagulong leon,
at
sa
mabilis kong pagkilos ay agad kong naitali
ang hangin dulot ng hangal ng kaisipan..

Lunurin ang pakikiulayaw sa alon
at hayaang ipaghele mula sa awit ng mga baril
ang gutom at hungkag na tiyan.

Ina oh aking Ina, huhugasan ko ng dugo
ang mantsang iniwan ng mga nagpakilalang kauri natin.

Papandayin ni bunso ang bala
na siyang aawit sa kanayunan at
hindi magtatagal ay makakatulog ka na sa alingawngaw ng pakikibaka.

Ina, titiisin kong lumuha ka sa aking pagalis,
subalit ipinapangako ko na bukas isang araw,
ang
lahat
ay
magbabalik,
payapa at malaya


Paalaam.........

IAWIT MO SA AKIN

IAWIT MO SA AKIN
By: Erning

maliit ang mundong aking inangkin
ngunit pilit pang pinasisikip at pilit akong dinadala
ng nakatanikala kong mga paa
sa malaki, madilim at malungkot na daigdig

hanapin mo ako
at ialis sa malungkot na mundong ito
buksan at pakatalasan mo lamang ang iyong mga tainga;
kahit nakapikit ang iyong mga mata
ako'y iyong makikita

hindi ako nagtatago
ako'y nawala at kinupkop
ng mga gunitang dapat ay patay na

tinuruan mo ako
kung papaanong humanap ng kislap at ningning
ngunit ano'ng saysay ng kislap at ningning
kung ang bawat kinang mismo ang pumapatay sa atin?

wala akong makita
wala..ang liwanag na nagpasaya
ay naglaho at iniwan akong nag-iisa

alam kong makikita kong muli ang paraiso
nalalapit na ang panahon upang ang mga sugat
ay maghilom at ang mga pangit na alaala
ay tuluyang mailibing na

harapin mo at sundin ang gusto ng panahon
sila ay dapat na kaibiganin
sila ang gagabay upang ika'y ilapit sa akin

hayaan mong matuka ka ng mga ibon sa iyong paglipad
yakapin mo ang ulap upang maramdaman mo
kung ano ang sarap at sakit ng may sugat
ang hapdi ng bawat dampi ay ang susi sa daan ng pag-uwi

sa pagsundo mo sa akin, hahanap tayo ng bahaghari
at tutuklasin kung ano ang kulay ng buhay at ibibigay ko sa iyo
ang tunay na liwanag na kay tagal nang minimithi
kailanma'y hindi mawawaglit
kailanma'y hindi mapapawi

Untitled

Untitled
By: Erning

nakatanga sa bintana,nag-aabang na baka
may masilayang bitwin sa langit
at ang buwan, tumakas pa,tumakas pa sa akin
bakit sila ngayo'y nagtatago at sa aki'y nagdadamot?

humuni ang ibon ngayong gabi
umihip ang hangin
at ipinadama sa akin
ang tinataglay nitong lamig

lamig... lamig ang nadama ko
nung oras na iniwan mo ako
ang pag-ibig mo parang lobo
lilipad, puputok at ngayon maglalaho

dapat bang ako ang sisihin
kung bakit ika'y nagsinungaling sa akin?
tumingin ka sa salamin
at ang katotohana'y alamin

sarili mo, sarili ko
magkalayo na ng totoo
nilalang na tulad mo
wala na rin sa paraiso, sa puso

mapait at masakit..oo
ngunit nadama mo na ba ang nadarama ko?
ako'y aalis at magpapakalayo
upang ang kalooba'y hindi maging paralisado

sino ka nga ba sa akala mo?
bakit ang puso ko'y nagkaganito?
pusong malambot ngayo'y naging bato
pansamantalang aalis pero hindi magpapatalo

pakiusap, wag mo nang linlangin ang sarili mo
pakiramdaman mo ang paligid mo
subukan mong tumingin sa likuran mo
sumusunod pa ba ang anino mo sa'yo?

isasara ko na ang bintana ko
dahil ang mga bitwin sa langit
ay tuluyang nang nagtatago
ngingiti na lang at sisipol

huhuni ulit ang ibon
iihip muli ang hangin
sa buwan ako ay maglalakbay
at bubuhayin muli...
ang puso kong pansamantalang namatay

(Ito'y gawa ng aking klasmeyt nung college na si Erning)

Friday, August 10, 2007

PANAHON

Hindi
ko
hinihiling
na
huminto
ka
dahil
batid
ko
na
kailangang
lumakad
ka
ng
ayon
sa
iyong
lakad,
Sana
lang
ay
huwag
mo
masyadong
bilisan
dahil
minsan
pa,
lilingunin
ko
ang
kahapon
namin
na
sadyang
minsa'y
naging
ngayon!

Wednesday, August 8, 2007

Tagtuyot

Madalas
nanlilimos
ako ng tula sa diyos ng mga letra.

Ano't ano tila baga'y hindi ako naririnig.
Lilipas na ang buwan ng Agosto at maghahari na muli ang tunay na tag-lamig.

Subalit
hanggang ngayon ang mga letra ay sadyang tila walang saplot
at
aliw pa sa lumipas na tag-araw.....

Monday, August 6, 2007

Random Thoughts

August 6, na pero wala pa rin pumapasok sa isip ko para ipost dito sa blog kong toh. Wala kasing masyadong naganap nitong nakaraang linggo eh. Tulog at pasok sa opisina. Tsaka puro undertime pa kami ngayon, kaya siguradong sunog na naman ang sahod nito sa akinse. Hay!!! Bagong leads na naman ang tatawagan namin mamaya, kaya sana naman eh bumenta na ako. plsss lord.....

Ang dami kong gustong gawin ngayon buwan na ito, andyn ang outreached namin sa Mindoro, teambuilding with my Team Kalaupapa, magsulat at yung libro na hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos isulat. Grabe!!! Sana lahat magmaterialize... Minsan naisip ko ano ba talaga ang gusto kong mangyari.... Sa bagay siguro normal lang toh sa taong praning gaya ko.. Tsaka nga pala gusto ko rin mag-apply ngayon sa office namin bilang isang "trainer".hehehehe Bahala na basta pagispan ko pa ulit mabuti.

Sa puntong ito ayaw talaga sumulat ng lapis ko kaya nahihirapan ako mag-isip. Mabuti pa kaya eh mag-post ako ng mga jokes. Tama! Yun na lang muna..

"Pinakbet"
Nag-aaply bilang cook si Turnok sa isang 5 star hotel:

Turnok: Sir gusto ko sana maging cook ng hotel nyo eh.
Head cook: Ano ba ang pamatay mong lutuin..
Turnok: Pinakbet po! (mabilis niyang sagot)
Head cook: Sus! Basic na yun eh...
Turnok: Hep!Hep!Hep! Pinakbet With Mayo!!

(Note: Kilitiin ang sarili para matawa)

"Sira-Ulo"

Isang pasyente ng mental ang kinakausap ng isang doktor para malaman kung maaari na itong pauwiin:

Doktor: Magaling ka na ba Norly?(pangalan ng friend ko toh)hehehehe
Norly: Yes sir! magaling na po ako.
Doktor: O sige, pra malaman kong magaling ka na, bigyan kita ng isang katanungan.
Norly: No problem dok. Patunayan ko sa iyo na magaling nako.
Doktor: Kung patutulayin kita sa sinag ng flashlight ko, tutulay ka ba?
Norly: Dok naman ginagawa akong sira-ulo! Sympre hindi...
Doktor: Bakit?
Norly: Eh kung patayin mo yun eh di nalaglag pa ako!! Bwahahahahahaa praning ka pala dok eh...Bwahahahaha

(Analisasyon: May punto si Norly diba?)hahahahaha


Sensya na sa mga makakabasa nito huh, corny talaga ko mag-joke eh. Para tiyak na matatawa kayo. Tumingin na lang kayo sa salamin. Try nyo lang. Salamat! Merry Christmas!!!!