Eto na at natasahan na muli ang aking lapis kaya may bago akong kwento. Tungkol ito sa pagdating at pagpapakasal namin ng girlfriend ko. September 15 ng hapon ng dumating sya Pilipinas mula sa bansang Australia(Imported ang girlfriend ko, amoy Cadbury....hehehe). 1 month lang siya dito kaya nga medyo busy talaga ko dahil sympre gusto ko din sulitin ang mga araw na andito sya(hindi yung iniisip mo.. BAd!).
Umaga pa lang ng Sept 15 excited na talaga ako, kaya maagap kami ng baby namin dumating sa NAIA para sunduin sya, 1 hour prior sa pagdating niya eh andun na kami sa airport. Kinakabahan ako at hindi mapakali, si Kulay(baby namin) hindi na din mapakali dahil may gerbaks pala sya sa diaper(Joke). Pareho kaming excited ni Kulay kasi love namin si "Mommy" eh. Habang nag-aantay, nagmamasid ako sa ibang kasabay naming susundo din sa mga mahal nila sa buhay. Nagtataka ako bakit parang hindi ko sila kakitaan ng konting pananabik man lang. Grabe ka-casual yung dating nila. Nakaupo lang at parang walang hinihintay. Ibang klase talaga, parang kami lang ni Kulay ang excited dun eh.
Eto na at may lumapit na lalake sa tabi namin at kinausap ang kasama niya at ito ang alam kong eksaktong sinabi nya:
"toh(malambing na boses), nagtxt sa akin si auntie toh, andyn na dw sya sa loob toh(malambing pero mabilis)". Dahil excited talaga ako, hindi ko napigilang magtanong sa mamang lalake.
"Sir excuse po(mas malambing na boses), yung lumapag po bang eroplano eh yung galing Australia po ba? Hindi ko po kasi narinig yung sinabi kanina eh". Biglang ngumisi yung mamang lalake at sabay sabi:
"Autralia toh? Galing Cebu yung Auntie ko toh!"(with matching ngising aso).
Linsyak! Domestic pala yung napuntahan namin, kaya pala walang excited dun eh, sa probinsya lang pala galing yung mga inaantay nila. Baka may galing lang Cavite dun eh. Kuwatog talaga!!! Kaya agad akong nagtanong sa guard kung saan dapat kami maghintay. Buti na lang kamo at dun lang sa likod ng domestic yun sa may NAIA din kaya konting lakarin lang.
Pagdating namin dun ni Kulay may mga lumalabas na, kaya agad kaming nagpunta dun sa wide screen para tingnan si "mommy" namin. After 10 minutes ayan na sya, mabilis na ang tibok ng puso ko at para akong kinakapos ng hininga(ale, tubig plsss..). Gusto ko ng maiyak hindi dahil nakita ko na si "mommy" naim, kundi dahil ang sakit na ng balikat ko dahil buhat-buhat ko si Kulay. Ayan na sya at palabas na ng pinto(parang gusto ko na syang puntahan, ang tagal kasi nung guard mag-tsek ng gamit eh). Paglabas nya ng pinto hindi ko na napigilan ang sarili ko, sumigaw na ako ng "LOVEYYYYYY"(tawagan namin.....nagba-blush ako). Ang bilis nya magtulak ng push cart halatang sabik na din sya sa amin ni Kulay.
Hindi ko sya agad niyakap kasi para bang naninibago ako o starstruck lang talaga o excited ba o ewan ko. Siguro 3 seconds yun tapos niyakap ko na sya. Grabe ang taba niya(aray!!! binatukan nya ako ngayon, andito pala sya sa likod ko, gising na pala ang bruha.Joke! Labyah.muahhh kiss muna). Kasama nya ang tito nya na empleyado ng PAL kaya siya ang ngahatid sa amin pauwi sa kanila. Wala naman kasi akong CArrr o Wheelsss man lang eh(konyong boses). Kaya kung wala yung tito nya, malamang sa cab(american accent) kami sumakay pauwi. Thank God!(Visayan Accent).
7pm na kami nakarating sa bahay at sympre isang umaatikabong kwentuhan ang naganap. 10 "kumusta" ang narinig kong salita, 13 na "pumuti ka", 1 "gumanda ka"(lola pa nya ang nagsabi...hehehe) at ilang mga common words na binabanggit tuwing may mga bagong dating galing ibang bansa. 11pm nadin kami nakahiga at nag-kausap dalawa. Kaasar nga kasi ayaw agad matulog ni Kulay(hehehe). Pero sa totoo lang natutuwa ako kasi safe siyang nakauwi. Salamat sa diyos. Hanggang ngayon masayang-masaya ako kasi nakumpleto na naman kami. Ako, si Kulay at si Loveyy. Yan na lang muna at baka tamarin kayo magbasa. Next time kwento ko sa inyo yung kasal namin. Salamat sa pagbabasa, hanggang sa muli...... Godbless..mwahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
Thursday, September 27, 2007
Pagdating ni Loveyyyyyy
Posted by
KaUste
at
5:57 AM
9
comments
Labels: kwentuhan
Friday, September 14, 2007
Mt. Talamitam (Nasugbu Batangas)
Mt. Talamitam, ito ang huling bundok na inakyat ko kasama ang aking mga kaibigan. Matatagpuan ang bundok na ito sa Brgy. Bayabasan sa Nasugbu Batangas na may taas taas na MASL 630. Ibang klase ang bundok na ito bagamat may kanya-kanyang katangian ang bawat isa.
May mga tumatawag dito na "Mini Pulag" marahil siguro sa grassland at mga bamboo grass na makikita mo bago mag-summit. Marami ding baka at kabayo sa lugar dahil may taniman ito sa paanan ng bundok. Subalit kapansin-pansin na walang patubig kaya malamang na umaasa lang sila sa biyaya ng ulan.
Ang pag-akyat na ito ay pakana ni Jhunell na aking kababata. Kasama pa ang tatlo na kasama niya sa trabaho ay napagksunduan na 9-10 buwang kasalukuyan kami aakyat ng bundok. Setyembre 9/07 ng magkita-kita kami sa Alabang Jollibee bandang 7 ng umaga. Maaga akong dumating sa lugar kaya nagpasya na rin akong mag-almusal ng Chicken Joy na mukhang sisiw yung pa yung napabigay sa akin(ang liit). After 30 minutes dumating na ang tropang Alegro(work place ng mga makakasama ko). Mabilis kaming namalengke sa Alabang at mabilis din kaming nabigyan ng dobol deat meat(mya ang kabuuang detalye). 10am na ata kami nakaalis ng Alabang at nakarating sa jump-off point(naks) ng bandang 12nn ng 2009. Linsyak ang bagal ni manong mag-drive.
Hindi namin kabisado ang lugar(first time namin dito eh) kaya nagtanong kami sa aleng may dalang payong na pula na balingkinitan ang katawan at may edad siguro 40-100. Mabilis ang kanyang pagsagot sa mabagal kong tanong. Agad niyang tinuro ang daan patungo sa bahay ni Ka. Nick(care taker ng bundok). 10 minutes na lakaran mula sa pinagbabaan naming highway hnanggang sa registration place. simple lang ang Nick's Place at ramdam mo ang kakaibang ambiance nito.
Talagang mararamadaman mo na nasa piling ka ni mang Nick. Este! ng nature pala. Mabilis ang aming ginawang pag-aayos at agad din kaming tinuruan ni mang Nick para sa susunding trail(first time nga kasi namin eh). Ito ang eksaktong turo niya with matching galaw ng bigote(Peace).
MAng Nick: Ganito ano (pumwesto sa gitna ng daan at nagpamewang)
Kami: (Tulala at walang imik)
Mang Nick: diretsuhin nyo lang itong daang ito hanggang sa makarating kayo sa unang tulay.
Kami: hmmmm (nakatitig ako sa bigote nya)
Mang Nick: Tapos kaliwa, at may makikita pa kayong isang tulay(pang isahang tao)
Kami: hmmmm ( ako, nakatitig pa rin sa bigote)
MAng Nick: Pagbabang-pagbaba nyo sa pangalawang tulay(medyo pasigaw), kaliwa (minunstra nya)
Kami: ahhhhhh (natatawa ako)
Mang Nick: Pagbaba nyo sa pangalawang tulay 70 steps kanan(ginawa nya with matching kunyari may backpack sya). Pagtapos may makikita kayong daan pakaliwa. Yun na!(pasigaw) diretso na yun sa MRT.(ibig sabihin ok na wala ng ligaw)
Grabe ang galing ni Mang Nick magbigay ng instruction, simple at pulido. Kahit pusa walang ligaw. Bilib ako sa kanya dahil napaka-warm na welcome nya sa amin kahit first timer lang kami sa lugar. May registration pala ng 20 pesos at may paliguan din sila sa halagang 10 pesos lang. matapos ang instruction nagsimula na kaming humakbang. Sinunod namin ang instruction at pag-dating namin sa clearing(grassland) nagpahinga muna kami dahil tirik na tirik ang araw. Kain muna kaming lunch at natulog
sa ilalim ng malabay na puno. 4pm kami nagsimulang mag-trek ulit at narating namin ang summit ng 1am(Joke). Siguro pasado 5pm na kami nakarating. Grabe yung elavation nya 65 degree tapos ang tataas ng talahib.
Hingal kabayo talaga ko kasi walang hangin masyadong makasingit sa taas ng talahib, nakayuko ka siguradong aakyat dahil pagminalas-malas ka ay pwede kang matusok ng mga maliliit na sanga sa mata. Kaya inaadvise na mag-shades o kya mag-lagay ng gloves o kya yung itim na nilalagay sa braso at legs(hindi ko alam tawag dun eh) para hindi ka basta magsusugat.
Pagdating sa summit, hindi ako makausap(joke) grabe kapagod talaga. Pero bayad lahat ang pagod ng simulang humalik ang hangin sa aming mga balat. 360 degree ang viewing kaya kita mo lahat pati konting part ng California. May groto din pala sa bandang dulo ng summit pero mukhang hindi na naalagaan. Maliit lang ang summit pero maganda mag-camp dahil sementado na sya(joke). Naghanda na kami ng hapunan namin at ang matindi dun nag-sinigang kami ng gulay lang, OO! walang baboy. Dahil grabe sa bantot yung baboy nakakatakot kainin, kaya nagpasya na lang kaming ibaon ito sa lupa. halatang dobol dead yung karne dahil ng pakuluan namin ang itim ng lumabas na kulay(eeewwww). Buit na lng kamo at marami kaming dalang dilata at itlog na red. Pagtapos ng dinner uminom kami ng "konti" lang at antulog ng bandang 11pm.
Wake-up call namin 5:30am at ako ang unang lumabas. ang Sarap kasi ng hamog eh. Halos ZERO visibility. Nagluto na kami ng breakfast at naghahanda sa pagbaba. Nagkodakan din kami sa itaas bago bumaba. 8am na kami nagdescent at narating ang ibaba ng bandang 9am. Tapos bago kami dumiretso kina mang Nick, naligo muna kami sa Baaaaattissssssss.
Ang sarap ang lamig ng tubig at may mga minifalls(hehehe). Lakas ng agos at medyo lasang Ariel ang tubig (may naglalaba pala sa bandang likod namin). Matapos ang isang oras na tampisaw dumiretso na kami kian tatay Nick para magbanlaw at magluto ng lunch. 1pm na din kami nakaalis ng Nasugbu at nakarating ako sa bahay ng 3:33pm. MAsaya ang huling akyat ko at siguradong babalik ako dun. Sulit, sa halagang 600 pesos na budget(maluho na yan). Hindi kayang ibigay ng sinehan at mall ang kapayapaan na ibinibigay ng bundok. Subukan nyo at makikita nyo ang mga sinasabi ko. Mula sa hangin, tao, hayop, halaman, puno at tubig. Iba talaga. So paano, hanggang dito na lang at mukhang inaantok ka na sa pagbabasa eh... Salamat.. Hanggang sa muli......
Posted by
KaUste
at
4:52 AM
3
comments
Labels: Adbentyur
Thursday, September 6, 2007
Saturday Morning
By: Pen Palaboy
27 wounds and a word embedded on my wrists are all i needed for me to realize is that my only hope was taken away from me once again..why does it have to be always like this?why me?so much fo everything that i held on to..i am tired..tired of believing all the false hopes and broken dreams..i have become a skeptic..a skeptic who will never be the same old gullible person that i was..but i still need to know the reason of my being..the reason why the wind took him away from me..i need to understand for me to calm the beast that i have become..i need to understand for me to save myself from the horror that i might do to myself..
at least for now..saturday morning07/07/07
ZKEY:
The beast inside was the beauty that sleeps between you and me Last saturday morning!!!
PEN PALABOY:
but the beauty that laid between you and I can no longer be seen..for these naked eyes can only see what is the wicked and what is unwanted..for this emotion can only feel angst and bitterness..this is my sweet revenge..this is what i have become since saturday morning..
ZKEY:
I was once blinded by the promise of blood and even tasted the kiss of ogre.If my words and poem can't save you from the beast that lives inside of you. I'll cry an endless masterpiece that paints the sweet revenge of a one dead poet. AhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhHHHHHHH
PEN PALABOY:
If thy scream can serenade
the soul of the beast inside a helpless poet..
then maybe,
just maybe,
a glorious serenity
will blow the arms of these hands
and calm the horror within
Posted by
KaUste
at
6:35 AM
0
comments
Tuesday, September 4, 2007
Ehersisyo!!!
Salamat at maganda ang mood ko kaya makapagsusulat na naman ako ng bago dito. 2am pa ako nag-online at natapos ako ng bandang 5:30am. Wala kasi kaming pasok ngayon sa opis kaya eto, medyo lamyerda ng konti(at start na ng leave ko bukas for 6 weeks). Una kong ginawa eh sympre ang pag-silip sa walang kamatayang email, friendster at blog. Grabe nakakatuwa kasi mukhang masigla ang grupong sinalihan ko. Matapos ang pagbabasa sa net at pakikinig ng tamang pronunciation ng word sa "merriam webster" nagpasya akong mag-bike.(Hanep iba ang nagagawa ng webster dictionary). Nag-signoff ako ng 5:30 am para mag-almusal at natapos ako ng bandang 6:05 ata yun. Mabilis akong nag-ayos ng sarili para maabutan ko ang Vit. D na nagmumula sa araw.
Ok na ang lahat at ready na ko, yahooooo. Sarap mag-bike matagal-tagal na rin kasi akong walang ehersisyo kaya talagang namiss ko yung dati kong ginagawa.
Saan ako pumunta? Dun sa dating route ko. Sa may CCP (Cultural Center of the Philippines). Pagdating ko sa place punta agad ako dun sa mga nag-eaerobics. Lagi ako sumasali dun eh(pero hindi dahil sa chicks huh) mabuti na yung malinaw dahil patay tayo kay misis nyn. Sarap kasi mag aero eh, bukod sa talagang papawisan ka eh talaga naman nakakaindak ang mga tugtog.(Remix ng what's Up at bubuka ang bulalak ng Viva HotBabe). After ng isang set eh nagpasya na akong umiskerda dahil naniningil na sila(Joke), dahil kasi solve na ako. Eh di sakay ulit sa mountain bike ko at umikot ako sa buong CCP, PICC at nagpahinga sa favorite place ko sa SENADO(PEKSman). Magkakalapit lang kasi yun eh. CCP, PICC, Manila Film Center of the Phil.(na may ghost daw?), GSIS at House of Senate. Dun ako madalas "mag-bayang magiliw" este "Lupang Hinirang" pala at kumain ng taho.
Marami na rin akong nakikitang politiko dun tulad nila (CHIZ, Miriam Santiago, Flavier, Sotto) at basta marami pa. Pagkatapos ko dun eh hindi na ako pinayagan mag-passby patagos ng Macapagal highway kaya kailangan kong bumalik sa CCP, tinamad na tuloy ako dumiretso ng Mall of Asia. Dun masarap mag-bike kasi ang dami-dami dung biker(As in). Lahat ng klase ng cyclist andun, kahit yung isang gulong lang(yung parang pang-clown) meron dun at may grupo sila. Ako nga lang ang walang grupo eh(wawa naman ako).
Pagkagaling ko sa Senate eh nagpasya na akong umuwi dahil for sure gising na ang baby "Kulay" ko. Pero bago umuwi dumaan muna ako sa Ella's bakeshop para bumili ng baon ni Kulay papasok sa iskul. Grabe pag-dating ko sa bahay yakap siya kaagad sa akin. nag-breakfast na daw sya, kaya nag-aya kaagad manood ng D.V.D. ayun walang humpay na BARNEY na naman.(badtrip ako minsan kay barney, ang yabang kasi eh). Tapos ilang minutes pa at pinaliguan ko na si kulay dahil 10am ang klase nya sa daycare center.
Sarap ng pakiramdam ko kasi para bang balik ako sa normal life ko, natutulog na ulit ng walang araw(gabi yun), gumigising na ulit ako na hindi buwan ang babati kundi araw(umaga yun). Lunch ko now is 12nn unlike before (2am, 4am o kya 3am).
Masaya talaga ako at 6 weeks ako magkakaroon ng normal life(naka-leave kasi ako nun) hahahaha. Nag-file kasi ako ng leave dahil pauwi si misis dito sa pinas at 1 month lang sya at pakakasalan na nya ko.(hehehehehe) Kelangan kasi yun para sa petition ko eh. Wala ng problema sa baby namin dahil matagal na siyang ,kumpleto sa papers so ako na lang ang posibleng maiwan pag-nagkataon(wawa naman ako). excited na nga ako sa pagdating nya eh, sigurado naku..... wala lang..... cge na at iba na ang naiisip ko.Joke
So paano, hanggang dito na lang muna at susunduin ko pa si "Kulay" eh. Hanggang sa muling pagbabasa. Wednesday exercise ulit ako. Kailangan ko talaga yun kasi nga padating si misis eh. Hahahahahaha! Salamat sa pAgbabasa.Godbless
Posted by
KaUste
at
12:00 PM
1 comments
Labels: kwentuhan


