Maya-maya ay magbibigay daan na ang taong 2007 sa pagdating ng bagong taon. Mabilis at makabuluhan ang taong 2007 para sa akin. Maraming nangyari na hindi inaasahan at marami din namang naganap na sadyang sa simula pa lamang ay inasahan ko na. Magbalik tanaw tyo sa mga higlights(naks!) sa buhay ko nitong lumipas na 2007.
January 07- Nakabili ako ng sarili kong computer(hindi na kailngan mag-rent)
February 07- Nagplano na kaming magpakasal ng GF ko dito sa Pinas.
March 07- Nagsimula akong umakyat ng bundok.
April 07- Naakyat ang pinakamataas na bundok sa Luzon(Mt. Pulag).
May 07- Na-regular ako sa trabaho(Yippie!!! Salamat coach Anj).
June 07- First time kong ibili ng TV ang nanay ko (naiiyak ako).
July 07- Nairaos ang 3rd birthday ng anak ko.
August 07- Walang highlights dito sa buwan na ito.
September 07- Umuwi si GF ko at nagpakasal kami(Mahal na Mahal ko siya).
October 07- Bumalik na si Misis sa AUS.
November 07- Nakakuha din ako ng passport(sa wakas!!!!)
December 07- Nadagdagan ang liwanag sa paligid ko. Ano ito? Sikreto na muna(hahaha).
Grabe pala, puro paborable ang mga naganap sa akin nitong 2007(Salamat po diyos ko). Minsan hindi natin pansin ang mga blessings na dumadating dahil sa kabusyhan natin sa buhay. Kung hindi dahil sa itaas hindi siguro ganito ang mga nangyari(Salamat po talaga). Tatlong oras na lang at papasok na ang 2008, ano kaya ang naghihintay sa akin? Sigh! Excited na kaya ako. Kung ano man ang mga yun(pangit man o maganda) sana bigyan pa ako ng diyos ng lakas at tatag ng loob na magawa at makaya ang mga ibibigay nyang assignments sa akin. Dito lang ako, umaasa at buo ang loob na magiging ok ang lahat. HARINAWA!!!!
Monday, December 31, 2007
Paalam 2007
Posted by
KaUste
at
7:47 PM
4
comments
Labels: kwentuhan
Monday, December 24, 2007
kabilang sulok ng bilog
Minsan hindi nangangailangan ng bago
para maging ganap na masaya.
Dahil minsan kailangan gamitin mo ang lungkot
para makita ang tunay na kahulugan ng kasiyahan!
Sa mundng mong may lapis at papel,
nananangan ang paraiso,
na tanging lunas sa mahabang pagkakahimbing.
Hayaan mong maging ganap ang lahat
at
doon,
makikita mo na bago na pala ang lahat.
Gaya ng dati!!
Posted by
KaUste
at
6:47 AM
3
comments
Labels: Tula
Thursday, December 20, 2007
Mahiwagang Sombrero
Medyo badtrip ako nung Linggo dahil sa hindi parehas na pagtingin ng mga tao sa ating mga kababayang Muslim. Napatunayan ko kung bakit may mga kababayan tayong mga Muslim ang galit sa mga kababayan nating mga Kristiyano.
Marami sa atin na nagsasabi na marami daw racist sa ibang bansa at kawawang-kawawa daw ang ating mga kababayan. Tama! Walang argumento dito. Pero naisip na ba natin na dito man sa Pilipinas ay talamak ang pagdidiskrmina ng ating kapwa sa mismo pang kapwa nya Pilipino. Totoo yan at napatunayan ko, NARANASAN KO! Paano? Ito na ang kwento....
Nitong Linggo ay pumunta ako sa bahay nila misis sa Sucat Paranaque para kuhanin ang passport ng anak ko dahil kakailanganin ko ito sa Lunes. Bago umalis ng bahay ay syempre naligo at nag-ayos ng sarili. Habang pinagmamasdan ko ang aking mukha kung may pagbabago sa salamin ay naisip kong isuot ang ibingay sa akin ni Papa(lolo ni misis sa Sucat yung pupuntahan ko) na sobrero na binili ni misis sa Indonesia. Maganda kasi sya at mahilig ako sa mga ganoong klase ng sombrero, bukod sa unique eh galing pa kay misis. Matagal na daw nakatambak yun, sayang naman daw at alam ni papa na magugustuhan ko yun kaya ibingay niya sa akin. Eto na ngayon, hindi pa man din ako nakakasaky ng dyip eh iba na ang tingin sa akin ng mga tao sa lugar namin(alam kong mgandang lalaki ako hehehe) pero siguro ay nakadagdag ng appeal yung sombrero ko(hahahaha) at yung bago kong eyeglasses. Pero nagulat ako ng tinawag ako ng barkada ko na "Abu-sayyaff". Gets ko na sabi ko na sabi ko sa sarili ko! Dahil pang Muslim ang suot kong sombrero kaya nya ako biniro nang ganun. Pero hindi ko akalain na makakaranas pa ako ng kakaibang karanasan dahil sa sombrerong iyon. Sumakay na ako ng dyip..
Napansin ko agad ang kakaibang tingin sa akin, medyo may bahagyang pag-iwas sa akin at manaka-nakang pagsulyap sa itsura ko. Hindi ko sila pinapansin dahil ganun na naman ang ugali ko(tumingin kayo hanggang gusto nyo wag lang kayo magpapaautograph). Hanggang sa makadating ako sa Sucat ay kapansin-pansin talaga ang pag-iwas sa akin ng mga tao na para bang may dala akong bomba, masama akong tao at para bang may nakakahawa akong sakit. Pero sa totoo lang, sabi nga ng kasamahan ko sa office na matino eh ok naman daw yung itsura ko mukha nga daw akong iskolar na Muslim. Ikinwento ko kasi kanya at sinuot ko sa office yung sombrero. At ito pa ang matindi pa sobrang ikinairita ko. Bago pumasok ng subdi nila misis ay dadaan ka sa guardhouse. Naka tricycle lang ako dahil wala naman akong sariling kotse bukod sa matchbox na laruan namin ng anak ko. Langya!!! Akalain mo na pahintuin yung sinasakyan ko at tinanong yung driver na "Saan yang sakay mo"? at sabay baling naman sa akin "saan ka pupunta"? At dahil sa asar ko eh sumagot ako ng may halong pag-aangas na din(pero mali) "Sa bahay namin, may problema ba"? Alam ko ginagawa niya lang ang trabaho niya pero obvious naman dahil sa itsurang Muslim ko kaya niya ako sinita. Eh kung tatanggalin ko ba yung sombrero ko haharanagin nya pa kaya kami? I don't think so, sobra siya at kung magtanong eh parang kakain ng tao.
Kaya ng ikwento ko sa bahay eh sabi ng nanay ko eh wag ko na daw isuot yun, pero alam nya na imposibleng mangyari yun dahil alam ni nanay na hindi ako basta mag-aalis ng mga nakagawian ko na ng dahil lang sa sinasabi ng iba. Pero alam ko na kung paano didistansya sa mga taong "MAKITID" ang utak. Alam ko ang obligasyon ko at responsibilidad tuwing isusuot ko ang sombrerong iyon. Tsaka wala naman sigurong masama kung sakaling isuot ko iyon dahil dala iyon ni misis at ibinigay sa akin ni papa.
Ngayon mas naiintindihan ko kung bakit ganoon ang hidwaan ng Muslim at kristiyano dito sa bansa natin. Hindi ako nagbibigay ng solusyon kundi salamin lang naman ng naranasan ko. Lubhang maselan ang mga bagay na yan at wala ako sa posisyon para maghain ng mga bagay na dapat gawin. Masyado na kasing naLabel ang mga Muslim sa mga kaguluhan kaya siguro ganoon. Pero marami din namang Kristiyano ang sangkot sa mga kaguluhan huh. Ano't ano pa man, pare-paerho tayong tao. Nagkakamali, nagugutom, nasasaktan at nagmamahal, kaya siguro walang dapat na itangi ang bawat isa sa atin. Kung may masamang Muslim may masama ding Kristiyano at kung may mabuting namang Kristiyano may mabuti din namang Muslim. Ganito kasimple!!!!!
"KUNG ANG IYONG MGA MATA ANG GAGAMITIN MONG PANGHUSGA,IKAW ANG TUNAY NA BULAG"
-Zkey
Posted by
KaUste
at
3:03 AM
11
comments
Labels: kwentuhan
Wednesday, December 5, 2007
Oda para kay klasmeyt!!!!(Salamat sa istorya)
Saan patutungo ang pagawit ng lumang sakripisyo?
Hampas sa laman, lamat sa buto.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng apoy sa sulo?
Alon lang ba o isa ng alimpuyo?
Sa bawat tanikalang napapatid,
ay markado ang pag-aklas.
Kapatid sa paglaban, huwag ubusin ang iyong lakas.
Ano ang bukas kung ang sulong hawak ay pinapaso ang sariling kamay?
Si Sisang binaliw ng kahirapan at kalabisan, baliw pa rin ng namatay.
Bukas matang hindi tinitigan ang liwanag na naghihintay,
Binulag at biningi ng maling prinsipyong dapat ay gabay.
Sisikat ng muli ang araw sa malayong silangan.
Nawa'y madatnan kitang dala ang tula,
na ating isinulat mula sa mga natuyong putik,
sa ating mga paang hindi napagod
sa pag-ahon.
("Paitimin ng husto ang Pula, upang maging isang kaaya-ayang Lila")
Posted by
KaUste
at
1:05 PM
2
comments
Labels: Tula


