Nung Sabado ng umaga ay sumama ako sa kaibigan kong si Oldskul para sa isang clean-up sa Mt. Maculot sa Cuenca batangas. Isa ito sa bundok na madalas akyatin ng mga mamumundok dahil sa ganda ng tanawin dito. Kita mo ang Taal volcano at ang lake nito. Sa sobrang dami nga ng mga umaakyat dito every weekend eh hindi rin mapigilan ang pagdami ng basura kaya napagdesisyunan ng Adtrek(Grupo ni Oldskul) na magkaroon ng clean-up. At eto nga umepal ako na baka pwede sumama sa kanilang barkadahan dahil bukod sa 2 linggo ng purnada ang akyat ko sa Bulacan eh isa ako sa locals ng Cuenca batangas. OO! doon ang probinsya ko at purong batangueno ako. Tsaka si Oldskul din nga pala.
Mag-isa lang ako bumiyahe dahil sa Cavite pa magmumula ang mga makakasama ko kaya minabuti ko na lang na doon na sila tagpuin sa batangas. Gaya ng dating pag-akyat eh gumising ng maaga bumili ng dairy cream para sa mainit na pandesal at isang petsel na icedtea. Ligo habang nagpapatugtog ng ilan sa mga paborito kong mga kanta mula kay Bob Morley, B.B. king, Nora Jones(Ganda Nito woohhh IDOL), Brian Setzer at basta blues, jazz blues at country blues ayos na yun para maging ganap na tao ako sa isang buong araw.
Medyo late me ng dating dahil sa kabobohan ko sa pagkuha ng instruction sa akin ni Oldskul. Sira kasi ang tulay ng Cuenca kaya hindi makakadiretso ang mga bus at dyip sa mismong lugar namin kaya kailangan mong bumaba bago magtulay at maglakad hanggang sa trisikelan at iyon ang hindi ko nagawa kaya naglakbay pa ako ng napakahaba at kumalaban ng ilang engkanto para lang makarating sa rendevous namin sa palengke ng Cuenca. Pagdating ko sa palengke ay nag-almusal ulit ako dahil sa layo ng pinanggalingan ko.
Matapos ang paglamon ko eh ipinakilala ako ni Oldskul sa kaniyang mga kasama. Nakilala ko ang kanilang butihing Presidente at ang humabol na lamang sa bundok na kanila namang treasurer. Sampu kami lahat at ewan ko ba kung bakit wala akong maalala sa mga pangalan nila(sensya na po) talagang mahina lang siguro ako magmemorya ng pangalan. Pagdating namin sa campsite naku po bukas na ang 7-eleven(tindahan sa taas ng bundok). Nagpahinga muna kami at nagluch bago naglinis. Nakapuno kami ng sampung sako na puro halos bote ng alak at mineral water ang laman. Grabe ang dami pang dumating. May mountaineer, mga boyscout(at taga dito pa sa Pasay huh) at ilang militanteng grupo yata yun na naligaw(Joke). 3pm na kami bumaba dala ang sangkaterbang basura. Yung akin nga eh pinagugulong ko na lang kung minsan dahil mabigat. Buti na lang at matibay ang sako. Pagdating sa baba ay iniwan na lang namin sa isang tabi at bahala na daw dun si konsehal Emer. Nagpahinga lang kami at naligo para sa pag-uwi.
Sa Chowking Lipa batangas na kami kumain ng dinner at doon na din kami Ok ba ang Salamin ko?
naghiwa-hiwalay. Si Oldskul ang kasama ko dahil pareho kami ng way. Mauuna lang siyang bumaba dahil sa Alabang siya eh tapos ako sa Pasay at yung ibang mga kasama namin ay puro Cavite naman.
Masaya ang clean-up namin pero sana mapagtuunan ng pansin yun ng mga kinauukulan. Hindi ako pabor na maglagay ng tindahan sa itaas ng bundok dahil isa iyon sa dahilan ng pagdudumi ng lugar. Sympre hindi lang naman yun ang dahilan. Nariyan na rin ang mga iresponsableng umaakyat. Sabi nga ni Oldskul sistema lang daw ang kulang. Tsaka sana kung hindi mapigilang magtinda sa itaas eh di sila ang manguna sa paglilinis. Tutal nakikinabang din naman sila kahit papaano. Maglagay sila ng ilang malalaking basurahan at kapag puno na eh handa naman ang mga mountaineer na ibaba yun. Tulungan sana at hindi yung iaasa nila lahat sa mountaineer. Diba mas maganda sana kung pag-akyat mo eh makikita mong nakaseperate na ang mga bote sa plastik o kaya naman naka sako na sila para medyo konti na lang ang kailangang pulutin. So everytime na may aakyat at gustong maging bida eh di magbaba sya ng basura ayon sa pasya ng kanying puso kung ilang sako.
At pagdating niya sa ibaba ay ipagbubunyi siya ng mga tao(Clap!Clap!Clap!). Ito ay suggestion lang naman at hindi ako nagrereklamo(ang bigat kaya nung akin).
Ano sa tingin mo?
Salamat nga pala sa Adtrek at kay Oldskul(kailan ba magiging Newskul yan), Ka Manuel at konsehal Emer at sa mga nakasalamuha namin sa itaas ng bundok. Sta. Clara Boyscout, yung nagbigay ng Yosi ang gaganda daw ng kasama nyo sabi ni Oldskul(hehehe), mga nakasalubong namin sa trail at nag-imbita sa Isabela salamat po. Kay tikbalang salamat at hindi ka nagpakita. Mabuhay tayong lahat. Hanggang sa muling PAGAHON!!!!!!!!
Ako lang walang pandong sa ulo yata.....
Tuesday, January 29, 2008
Mt. Maculot Clean-Up
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



12 comments:
May konek ka ba sa UP ORG?
This is off-tangent,but I really need your help.My blog is nominated as "Blog of the Week"
Please vote for my site by clicking the link or posting it on your address bar.
http://salaswildthoughts.blogspot.com/
Then click my blog re:MADILIMNAKASAYSAYAN
It will only take two minutes of your time.The voting is daily. Please vote for me whenever you go online.Thanks a lot
gusto ko ang paraan mo ng pagkukwento tol, nde ganun ka teknikal tulad ng kinikritiko ng marami, pero swabeh kasi mas madali maintindihan, hehehe
nilagay na kita sa links ko para madali ko mapuntahan blog mo at makapag basa basa pag online ako, hehe, tignan mo din yung ibang mga nasa links ko dami asteeg dun :)
Salamat Mel. Pagpalain ang buo mong sambahayan...Godbless
aking katoto, maraming salamat sa iyong pagtugon sa aming panawagan nuong nagdaang linggo na maglinis sa bundok maculot. hanggang sa muling pagsasama sa PAG-AHON...
BTW, naka labindalawang sako po tayo ng naibabang basura, salamat sa tulong mo. hanggang sa muling pagkalkal ng basura sa iba pang bundok, heheheh
Salamat Risk sa pagdaan sa blog... Ingat palagi.Pagpalain.
salamat sa pagsama sa clean-up climb :) maaari po bang mahiram ang post na ito at ang ilang mga litrato para mai-post natin sa adtrek blog? ire-redirect ko na lang sa blog na ito yung link, kung okey lang po sa inyo.
hanggang sa susunod na pag-ahon!
Ok lang po mam Eye. Kaso medyo ego centric yung dating ng sulat dahil masyadong nagfocus sa personal experience ko eh, ok lang ba yun? Nga pala kayo po yung malupit na Photographer ng Adtrek tama po ba? Ang galing nyo po kumuha. Salanat po. Godbless.
Wow, ang dakila mo, Zkey! Mabuhay ka at ang mga katulad mo! :D
geee gustong gusto ko talaga umakyat ng bundok!! hanggang kelan ko to ssabihin? hmm.. hanggat di pko nkka=experience! haha! my family are overly protective kc kaya they dont let me.. :( nyehehe. tska walang bundok sa UK. haha!
minsan ko lang naranasan yung umakyat ng bundok. hindi ko pa ata naenjoy dahil ilang taon lang ako nun, sa batangas din. hehe.
natutuwa ako sa ganitong klase ng adventure. grabe, :D
Salamat Noime, Kai at Bea. Godbless you and your family.APIR
Post a Comment