Masaya ang mga araw ko noon. Hindi ko malilimutan ang mga bagay na akala ko ay walang katapusan. Sa murang edad ko na walo ay naramdaman ko na agad ang umibig. Ewan ko ba, basta masaya ako kapag nakikita at naglalaro kami ni Efil. Magkababata kami at magkaibigan ang aming mga magulang family friend sabi nga. Simple lang si Efil at iyon ang labis na nagpatibok ng puso ko. Mabait siya at maaalahanin. Siya rin ang madalas na magtanggol sa akin sa tuwing pinaiiyak ako ng iba pa naming kalaro. Naalala ko pa ng minsang mapaaway siya ng dahil sa akin. Grabe talagang hindi niya tinantanan sa suntok. Ako naman eh di puro sigaw at awat lang ang nagawa. Ano bang maaasahan niya sa akin eh bukod sa maarte eh takot kaya ako sa away. Pagkatapos ng insedenteng yun eh wala ng nanloloko sa akin. Takot lang nila kay Efil.
Highschool ay lalong tumindi ang nararamdaman ko sa kanya. Iisa pa rin kami ng eskwelahang pinapasukan at magkaklasmeyt pa kami. Sabay kami pumapasok, umuuwi at magrecess. Madalas din kaming dumaan sa paborito naming pasyalan. Ito ang falls sa taas ng bundok na madadaanan papasok ng eskwelahan namin. Maganda dito dahil ang binabagsakan ng tubig ay parang isang malaking planggana lang at para siyang swimming pool at mula roon ay tanaw mo ang buong lugar namin. At ang mga paligid nito ay puro bulaklak at puro damo. Para ka talagang nasa paraiso. Madalas pa nga siyang pumitas doon ng bulaklak at inilalagay niya sa tenga ko. Tapos sabay kaming mag-dive at sisigaw habang magkahawak kamay. Hindi ko malilimutan ang mga araw na yun. Halos tuwing walang pasok ay naroon lang kami. Magpapaalam na may gagawing project sa bayan. At dahil mabait at magkaibigan nga ang pamilya namin ay madalas ay pinapayagan kami. Doon din kami sumumpa na "walang iwanan". Magkaibigan hanggang sa huli at kinilig ako ng minsang sabihin niya sa akin na hindi siya aalis sa tabi ko. Para akong nasa ulap ng araw na iyon.
Minsan halos hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero natatakot ako na baka magbago at mawala ang pagiging magkaibigan namin. Kaya hinahayaan ko na lang ang ganoong sitwasyon.
Hanggang sumapit ang 4th year highskul namin ay hindi kami naghiwalay ni Efil. Palibhasa'y sabay kami lagi magpaenrol(ako ang sumasabay) kaya lagi kaming magkaklasmeyt. Marami akong natutunan sa kanya. Kung paano kumilos ng maayos, magsalita ng tama, maging magalang sa lahat at bigyang halaga ang sarili. Binata na sya at dalaga na siguro ako kaya siguro panahon na para malaman niya. Pero hindi ko alam kung paano. Natatakot ako, paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung kaibigan lang ang turing niya sa akin? Hindi ko yata kaya. Ayokong mawala siya sa akin. Siya ang buhay ko at siya ang lahat sa akin. HINDI PA YATA AKO HANDANG MASAKTAN!!!
JS prom namin, at handa na ako. Alas-Otso ng gabi maguumpisa ang programa. Alas-Sais ng gabi ng maghiwalay kami ni Efil galing sa aming "hardin"(tawag namin sa tagpuan namin) sa itaas ng bundok. Bago siya umalis ay sinabihan niya ako na huwag na huwag daw na hindi ako pupunta ng JS dahil may sasabihin siyang importante sa akin na matagal na niyang gustong sabihin at may sorpresa daw siya sa aking regalo. Doon na daw kami magkita sa skul. Gusto kong lumundag sa saya dahil sa wakas ito na yata ang hinihintay kong pagkakataon.
Si tatay ang naghatid sa akin sa skul. Pagdating ko sa eskwelahan namin ay naguumpisa na pala. Humalik ako sa aking tatay upang magpaalam at sinabi niya sa akin na "Hanapin mo na si Efil at baka may kasayaw ng iba yun". Errrr!!! Kainis alam ata ni tatay na may gusto ako kay Efil. Bago siya tuluyang nagpaalam ay hinabilinan niya ako na huwag masyadong magpagabi at magpahatid kay Efil pauwi.
Hinanap ko si Efil pero wala pa sya, Alas-Diyes na ng hatinggabi subalit wala pa rin ni anino niya. Mag-isa lang ako sa aking upuan at bahagyang nangiti sa tuwing binabati ako ng aking mga guro at klasmeyt. Asan na si Efil? Bakit wala pa siya? Tanong ko sa sarili.
Maya-maya ay dumating si tatay at humahangos. Umuwi na daw ako at si Efil.... Ano si Efil? Kinakabahan na ako, "ano ba ang nangyari"? Tanong ko sa aking tatay. Si Efil daw naaksidente sa bayan at nasa ospital at malubha. Ano!? Ito lang ang mga katagang nabitawan ko. Hindi na naghintay pa ng sandali ang aking mga mata at agad itong lumuha. Si Efil, sana hindi totoo ang balita ni tatay sa akin. Madali naming binagtas ang daan pauwi at mula sa bahay ay agad kaming tumulak papuntang ospital ng bayan dala ang traysikel ni tatay.
Pagdating namin sa ospital ay naroon ang mga magulang ni Efil. Walang tigil sa pag-iyak ang nanay niya. Bigla na lang yumakap siya sa akin at sinabing "Wala na si Efil, iniwan na niya tayo" at sabay bigay sa akin ng card at maliit na kahon na may balot pang-regalo at nakapangalan sa akin. Nakuha daw iyon sa bag ni Efil ng maaksidente siya. Nang buksan ko ang maliit na regalo ay isang munting singsing na may tatak na pangalan naming dalawa at ang nilalaman ng card ay ang mga katagang pareho namin nilihim sa isa't-isa ng matagal na panahon. Mula sa kinatatayuan ko ay parang gumuho ang buong langit sa akin. Hindi totoo at isang panaginip lang ang lahat ng ito ang sabi ko sa aking sarili. Subalit ano mang pagtanggi ay tila wala na akong magagawa pa. Tumakbo ako sa kwarto niya upang yakapin si Efil. Niyakap ko siya at humagulgol ng iyak. "Hindi totoo ito, Efil please gumising ka, please Efil please huwag mo akong iwan, MAHAL NA MAHAL KITA EFIL. Diba sabi mo na walang iwanan, pero bakit ka lumisan. Efiillll...." Ito ang kwento niya at kwento ko na rin.
Lumipas na ang sampung taon at ngayon ay magtatapos na ako bilang isang doktor ng Medisina at papalipad papuntang Amerika upang hanapin ang bukas na maaaring naghihintay sa akin. Hindi ko malilimutan ang isang kwentong itinuro sa akin ni Efil. Isang kwento na sadyang isinulat niya sa aking puso. Isang kwento na kasama ko hanggang may kailanman.
Nagmamahal,
Mimi
Tuesday, February 5, 2008
Si Efil, Ako at Isang Maikling Kwento
Posted by
KaUste
at
5:44 AM
Labels: Maikling kwento
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



17 comments:
Dats a gud story dad...u made me cry...lam m nmn ang asawa m iyakin...coz...its so tragic....U know wat..y sumtyms things like these happen...? Always remember I'm ur no.1 fan&ILOVEYOUSOMUCH!!!!
Salamat Mimi. Mahal na mahal kita. Lapit na Balentayms. Nagiisip ako ng maibibigay syo. Kaso ang layo mo, dyn ka sa AUS eh. Kami na lang ni Kulay ang magDate. Miss ka na namin. Mwahhhh
:'( feel na feel ko yung story :c
with matching goosebumps dun sa dulo. huhu tsssssk talaga naman! lol.
ganda ng story but super sad, yoko ng gnyan.. malapit na valentines eh! haha.
--
ngyari sa cbox mo?
uy salamat sa pagbisita sa aking aparador ha? sa uulitin! hehe
at uste ka rin? wow!
KAI- Tnx. Buti naman hindi lang wifey ko ang nakagusto ng story. .. Ewan ko ba nung nangyari sa CBOX ko. dibale maaayos din yun..hehehe.Godbless
KalansayCollector- ge dalaw me ulit minsan...Salamat.Godbless
Hello Zkey, dumalaw na at nagbasa pa at na-tatz din sa malungkot na kwento ha-ha....! Galing mo a....=D Sensya na kung hindi ako napasyal palagi kasi busy na naman ngayon sa work.... Ingatz....! =D
Salamat Pepe. Sinubukan ko lang kung pwede pa ako gumawa ng maikling kwento. Slamat!!!!
ang lungkot naman nito...sniff! may talent ka bata! kudos! keep it up!
Tnx WanderingCommuter. Minsan gawa din ako nung masaya naman.hehehe. Ingat palagi. Pagpalain ang buong sambahayan mo.
kuya ang galing mo talaga magsulat! pilipino ka nga!
siguro may lungkot kang nararamdaman kaya ganyan ang naisulat mo? ramdam ko kasi eh...
godbless po!
"bj"
zkey!nakkainis ka!huhuhuhuuh bumaha sa pasig! nikilabutan ako huhuhuhuhuhuhuhu..crush ko na din si efil bglang nman xang lumisan...
two thumbs up!
write more! live more! love more!
BJ Salamat.. Musta na? Huwag hayaang lamunin ng lungkot ang tinta ng bolpen mo. Wala pa tayo sa dulo at ni hindi pa nag-uumpisa. Huwag kang sumuko. Sulat lang.....Godbless
Pen: Salamat sa komento, mawawala si Efil pero hindi ang pagkakaibigan nating lahat. Kung iisang lapis ang bibigkis sa atin, tatangalin ko ang pambura nito upang maiwan ang lahat ng naisulat na. Hindi tayo titigil.. Hinding hindi....
yan naka sign in nko sa blog..oo wlang susuko..kung muinsan napanghihihnaan ng loob.humugot ng lakas sa mga kasama..salamat at nanjan kayo..sau zkey, k bj, k oliver,k tantrum, k oldskul (oo friendship n din kme ahekz!) at sa lahat ng B@K..salamat!
wow ang tindi. huhuhu.
Para kanino ang sulat?
Bakit hindi ka magpalit ng chatbox?Marami naman diyang iba.
hi cool blog you got! link exchange? just do drop a message to my site thanks! Godblessyou!
Hanna Raissa hindi ko m,a view blog mo eh.. kung sakaling maligaw ka at gawa na chat box ko pa drop na lang ng url mo. Salamat. Godbless din po...
Post a Comment