Thursday, February 21, 2008

Star Wars Battle Front: Renegade Squadron Entertainment Pack

Salamat at sa wakas ay sinipag din akong mag-update. Well 2 araw din kasi akong may trangkaso at eto medyo sinisipon pa(singhot)hanggang ngayon, kaya tamad na tamad akong magkwento. Malas nga din at hindi ako nakasama sa akyat nila Oldskul nung sabado sa Mt. Manalmon. Kaya eto medyo nanghihina at kailangan na naman ng ehersisyo. 2 weeks na din akong walang jogging eh. Kaasar!!!

Star Wars Battle Front Renegade Squadron Entertainment Pack. Ano ba ito? At bakit ito ang title ng post ko ngayon?

Ito ang bagong laruan ngayon ni Kulay at ako na rin SYMPRE. Limited edition daw sya ng PSP slim at may kasama ng bala nga ng Star Wars battle Front Eklavu Churva at may sticker pa ni Darth Vader sa likod. Honestly ayoko talagang bumili ng PSP dahil parang naluluhuan ako. Hindi ako sanay bumili ng gamit na will cost me an arm and a leg. Kasi hindi naman kami mayaman para gumastos ng hindi naman kailangan talaga. Pero dahil sabi ni misis na kaya nga daw sya nagpapakahirap sa trabaho sa ibang bansa eh para mabili nya ang mga gusto ng anak namin. Tsaka tutal naman daw eh nag-iisa pa lang naman daw si Kulay kaya wala daw masama kung ibibili namin sya. Ok pero medyo nahihiya ako kay wifey ko kasi wala akong ganoong kalaking pera para ibili si Kulay. Sakto lang talaga sa grocery namin ni Kulay at konting pang Time ZOne namin mag-ama. Buti na lang at nagpadala agad si misis. Iloveyou mommy.Mwahhhh

Bago ako bumili eh tumingin ako ng mga reviews ng mga PSP slim sa internet. Gusto ko kasi alamin kung ano ba ito at kung anong magandang bilihin na makakamura kami at sulit. Nagtanong-tanong din ako sa mga katrabaho ko na may PSP kung magkano ba ngayon ito at kung saan ako dapat bumili? Naglibot din ako ng Green Hills at Makati para tumingin. Tapos tumingin din si misis sa AUS para maicompare namin kung magkano ang deperensya ng price dito sa Pinas.

12k ang bili namin ni Kulay sa Makati ng PSP namin. Mahal sya kumpara sa mga binebenta sa mga ibang game shop. Meron ngang package deal na eh, 12k din pero may kasama na 4gig na memory, headphone, pouch, crystal case, strap at ang mismong unit tapos lalagyan pa nila ng games yun kahit anong gusto mo. Eh yung nabili namin ni Kulay eh yung Unit lang mismo at battery at charger at yung kasamang bala na Star Wars Battle Front Kembot Chenelyn. Medyo mas mahal siya pero ang habol ko kasi dito eh yung sigurado ka sa Unit mo. As in hindi pa sya nagagalaw at namomodify. Sure ka din na Orig yung keypad controls mo at yung battery at charger mo. Unlike dun sa iba na package nga pero puro class A din lang naman yung mga kasama niya tapos hindi ka sigurado kung hindi ba napalitan ang mga piyesa nun. Diba mas ok naman na medyo mapamahal ka na ng konti basta sigurado ka sa unit mo?



So ayun napabili nga kami pero ang problema eh hindi sya pwedeng downloadan ng games kasi nga hindi pa siya namomodify so kailangan kong ipaModify pa ito. Dahil kung hindi kailangan kong bumili ng mga bala nito na ang pinakamura ay nasa 1,500 ata. Linsyak!!!
Sabi naman ng pinagbilihan ko ay walang problema kung ipapamodify ko kasi andun naman daw ako kaya makikita ko kung papalitan nila ng battery yung unit ko. Sa madalng sabi ganun ang ginawa ko at pinalagyan ko na din ng mga games yung binili ko din na 4gig na memory.



Pag-uwi ko sa bahay ay tuwang-tuwa ang buong pamilya. May PSP na kami!!!! Nagsisigawan ang lahat ng pamangkin ko kasama ang nanay ko ng PSP!PSP!PSP. Tawa ako ng tawa kasi nakataas pa ang mga kamay nila. Napakasaya namin lahat. Si nanay kahit hindi nya alam yung binili ko masaya sya dahil nakikita niya na masaya ang mga apo niya. Nag 1.5 coke pa nga kami after lunch sa sobrang saya eh. HAHAhAhAhA. Salamat lovey sa regalo mo sa amin huh. Iingatan namin ito ni Kulay PRAMIS!!!! PSP!PSP!PSP! NAKAKAADIK KAYA ATA AKO NAGKASAKIT!HAHAHAHA



Para sa dtelaye ng Star Wars Battlefront Renegade Squadron Pack ay iclick lang po ito. PSP

11 comments:

KaUste said...

Yun Oh. Yes pwede na magcomment oh!!!

Noime said...

Ahahaha. Naalala ko tuloy yung perstaym na nakahawak ako ng PSP. susko. natatakot akong gamitin dahil kakabili lang tas masisisra na agad. hehe. ayun. Hanggang ngayon eh buhay pa naman siya. :D

Paki-hi ako kay kulay. ( wala lang )

kai said...

Ganyan din ako whenever I want to buy something, I gonna browse the net talaga and ask everyone about it - okay lang yan cos as you said nga sure ka sa unit eventho it cost a bit much. yung PS3 game cd nga dto cost us £45 or 4,500php - biruin mo yun?! and wala nman nagmmodify dto ng ganun, kaya ngppabili na lng kme sa GF ni kuya sa HK, mejo tipid pa. ehe.

PSP na yta new craze sa Pi noh? Wala ako nyan eh, haha. Wala ako pambili -.-

Enjoyyy the game!

KaUste said...

NOIME- Ako nga din eh takot na takot humawak kasi baka masira o magasgasan. Bawal maglaro ang madumi ang kamay kasi ceramic white yung color nya kaya dumuhin eh. pero grabe enjoy talaga kami...Godbless


KAI- Mabuti na kasi yung may product knowledge ka bago bumili para naman hindi ka basta-basta magagastusan at maloloko lang pala. Pero pramis bibili ako ng PEKYEW na boxing game... hehehe.Godbless

Anino said...

Ganyan din ako sa tuwing bibili ng isang bagay na medyo mamahalin.
Magsasaliksik ng todo sa internet at magasin.Uso din sa Greenhils ang bakbakan ng orihinal na piyesa.Si ZKEY,matalinong mamimii.
Naiimagine ko na ang eksena niyo at ni Kulay habang nag-aagawan sa PSP.Hehehe.
Mabuti at magaling ka na.

Dakilang Tambay said...

ahehehe. ung psp namin d ko mahawakan. nanay ko gumgamit.adik lang

kayciies said...

Kuya.. kung nandyan ako makikitalon din aketch haha. pramis natawa ako doon sa scenario na ni describe mo. WHAHAHHA :)

Anino said...

Nawala pala yung komento ko?Ako sana ang una.

KaUste said...

Anino- Sobra si Kulay sobrang Adik sa laro ng spiderman. Ayaw nya ako patirahin. Tsaka magaling na pala ako Anino. Salamat!Godbless


Dakilang Tambay- Ganun ba, c nanay naman walang alam na laro bukod sa brickgame na hanggang ngayon ay buhay pa yata yung laruan nyang iyon..

Kayciies- HAhaha. Sobra nakakatawa talaga si nanay SOBRA.. Sumasayaw pa kala mo nanalo sa loteng.hehehe. Salamat sa Komento. Pagpalain ka!

Shamille said...

Mhal ko anytym basta pra syo & kay kulay...mhal n mahl k din kyo sobra!!! Malapit n tyo mgksama sama muli....Talk to u later.ok...ILOVEU!!!

Fox said...

Sorry. Look please here