Tuesday, February 26, 2008

Tatlong Araw

May tatlong araw sa mundo na madalas ay hindi natin lubusang naiintindihan. Mga pagkakataong akala natin ay basta na lang nariyan o dumadating. Minsan, hindi natin akalain na ang tatlong ito ay mahalaga pala at sadyang kailangan bigyan ng pansin.

Unang araw ay ang KAHAPON, ito ang araw na kung saan na ang mga bagay ay natapos na. Mga bagay na kahit ilang milyong piso o anumang yaman sa mundo ay hindi na maibabalik pa. Mga salitang sinabi natin, mga bagay na ginawa at mga pagkakataong pinalampas. Minsan mas panghihinayangan mo pa ang bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga ginawa mo. Kaso wala na namang magagawa dahil nakalipas na. Lahat ng nangyari ay magiging isang kwento na lamang.

Tapos narito pa ang isang araw na mahalaga din. Ang BUKAS. Nariyan ang pag-asam natin na sana matapos na ang ulan at umaraw naman kinabukasan. Mga pangarap at kung ilang libong "sana" at "harinawa". Malaki ang pangako ng BUKAS, SUBALIT hindi tayo nakatitiyak kung ito ba ay aayon sa ating mga kagustuhan. Wala tayong kontrol sa anumang maaaring mangyari. Lahat ay nakadepende sa dasal at pagkilos at matiyagang paghihintay. Talo ang mainipin ika nga ng iba. Kaya kahit anong yaman din sa mundo ay hindi kayang ipangako ang mga bagay na darating. Kung ang iba ay umaasam ng pagsikat ng araw sa kinabukasan, ang iba naman ay naghihintay na lang ng paglubog nito. Ano nga kaya ang mangyayari bukas?

Narito naman ngayon ang araw na sadyang hindi natin pansin, isang pagkakataong minsanan lang. At ito ay ang NGAYON. Mga pagkakatong nasa iyong harapan at nasa iyong kamay. NGAYON ay ang siyang bumubuo sa KAHAPON. Mga bagay na may kontrol tayo mga pagkakataong maaari natin maganap ang lahat. Ito ay isang regalo na madalas ay ayaw nating buksan at hindi natin pinapansin. Mga pagkakataong ibinibigay natin kay KAHAPON na hindi man lang natin nabibigyang halaga.

Sabi nga "Happiness is a choice". Ikaw ang magsasabi kung saan mo gusto pumunta at hindi ang kung sinoman. You have to create your own life and live it with absolutely no regrets. To hell sa mga taong hindi naniniwala na kaya mo. 24 hours lang meron ang isang araw. Pwes anong gagawin mo? Iiyak, magmamakaawa, magmumukmok sa isang tabi.

Hindi ko sinasabing huwag kang malungkot o mabuhay ng walang pakialam sa mundo para maging masaya. Pero bigyan mo naman ng space at pagkakataon ang sarili mong magkamali, bumagsak at tumayo ng hindi nagpapagpag ng dumi. Ang NGAYON ay saglit lang kaya kung patulog-tulog ka sa pansitan magiging dull at walang kulay ang KAHAPON mo. Hindi man natin alam ang magiging bukas, at least nasabi mong MAHAL NA MAHAL KITA, AYOKO NA, SORRY at kung ano pa man.

Araw-araw may mga dumadating sa buhay natin na hindi natin akalain. May maganda, pangit, ok lang at parang wala lang. Basta ang mahalaga ay may ginawa ka at hindi steady lang boy/girl. Hindi natin alam kung sino ang maaaring dumating sa buhay natin. Pwedeng long lost friend, choirmate, teacher, klasmeyt, tindero sa kanto, blogmate o complete stranger talaga. Makinig ka sa mga kwento nila dahil marami kang mapupulot na aral. Minsan sa kanila mo matututunan ang mga bagay na hindi itinuturo sa eskwela.

Ang mga karanasan mo ang gawin mong hagdan at gawing salamin ang karanasan ng iba. Kung hindi ka tatayo ay matatapakan ka talaga. Kaya huwag mong sayangin ang 24 hours na regalo. Gawin mong makahulugan at makulay ito na may pagtatangi at pagmamalaki na sa 24 oras na regalo ay naging MAKAHULUGANG tao ka at hindi walang kwentang TAE.

Ito ang isang puting papel, isang set ng krayola at isang bagong tasang lapis.

Anong gagawin mo?

25 comments:

Anino said...

*Aray!

Mel said...

marami rin akong diskusyon sa sarili ko tungkol sa mga araw na yan, mdalas kong sinisisi ang sarili ko kasi nagpabaya ako ngayon at ikahahantong iyon ng isa nanamang pagsisisi sa kahapon, at takot ako na bukas uulitin ko nanaman ang pagkakamali ko na ito.

sa puting papel ko isusulat ang mga salitang "kagagawan mo ito, mel" at hindi ko gagamitin ang krayola dahil ang paalala na yun ay dapat magmukhang payak para tumatak sa aking isipan...

yun ay sa akin lang naman hehehe

lyza said...

Yung mga paliwanag mo tungkol sa tatlong araw, napatungo ako sa mga dinahilan mo sapagkat sang-ayon ako sa iyo. Yung buhay gaya nga ng quote na "go with the flow" pero kung minsan dapat lagyan mo rin ng "wave" para naman wala kang pagsisisihan kapag tapos na yung araw.

At yung sabi mo "Makinig ka sa mga kwento nila dahil marami kang mapupulot na aral" tama ito -- well importante rin magsalita pero dapat marunong makinig sa iba... dapat balanced haha!

Yun lang :D

Kazahn said...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

mapi said...

NICE BLOG ENTRY! tama ka.
happiness is a choice.

eh ano naman kung broken family ka? kung dedbols na erpat at ermat mo?
kahit lumuha ng dugo, iikot pa rin ang mundo.

Malashicage said...

This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.

Anino said...

Minsan, sa sobrang daming nagsasalita, pati sarili mong boses ay hindi mo marinig.

KaUste said...

ANINO- Oo nga, may mga bagay na kailangan mong payapain ang loob para marinig mo ang sinasabi ng iyong sarili. Sa ingay ng mundo, nakabibingi na ng husto.


MEL- Maging payak man o hindi kaibigang Mel, ikaw pa rin ang masusunod sa gusto mong maging takbo ng buhay mo. Ano man ang mga nangyari syo, lahat mapupunta na lang sa baul ng mga alaala. Pagpalain ka!!!

LYZA- Yes! Makinig at Magsalita. Basta ituring natin na sa lahat ng makakausap natin ay may mga bagay na magiging makabuluhan para sa atin. Minsan pa, sila ang may dala ng matagal na nating hinihintay. "blessing is disguise" ika nga ng iba. Tnx Lyza. Godbless po..


MAPI- IIkot at iikot pa rin ang mundo MAPI, hindi tayo at hindi tayo pwedeng magpaiwan. Lakad lang, pasasaan ba at mararating din natin ang dulo.. Pagpalain ka Mapi!!!!

Noime said...

*clap*clap*clap.

napakagandang entry!

*clap*clap*clap.

KaUste said...

Salamat Noime.... Ingat ka Lagi.Godbless

jericho said...

"What is life?" was the question asked on the first day of our Philosophy class. After four years of Philosophy, I never got the answer. Maybe I'm still making it ...;)

caca said...

ano sa tingin ko? makabuluhan. nararapat na bigyang pansin. :)

ito ang mga tinatawag ko na "lessons RElearned" dahil paulit-ulit kong nakakligtaan, pero nakaktuwa at pauulit akong pinapaalala; at sa pagkakataong ito, sa pamamagitan mo. naks naman! :)

gandang tanghali!

KaUste said...

Jericho- Philosophy ang unang choice ko dati nung collge ako pero nagtapos ako ng Sikolohiya. Mahirap talagang sagutin kung ano ang "buhay" masyado siyang malawak. basta enjoy lang tayo.. Itaas mo. Salamat. Godbless..


Caca- Touched naman ako Caca, madalas ako sa page mo kapag nais ko ng malinamnam na mga tula. Isa kang Class "S" na indibidwal Caca. Astig ka!!!! Pagpalain....

caca said...

ehhhh, klas S. ang layo naman. kala ko A ako. hahaha!

sige, exit muna ako at maghahanap ng islang babasahin. :)

KaUste said...

Class "S" ang pinakamalakas na may Spiritual na kapangyarihan. Sa iskul lang ang class A.hehehe

kayciies said...

I must say very inspiring ang post na ito kuya zkey.. Pero I have always believed in the saying “Do not look back and grieve over the past for it is gone and do not be troubled about the future for it has yet to come. Live in the present and make it so beautiful that it will be worth remembering…”

Yet, your post makes me think otherwise, we have to appreciate those 3 days, that we barely even notice anymore.

Dakilang Tambay said...

Happiness is a choice - i love it :)

live your life to the fullest nga daw :)

caca said...

ah, akala ko SALAMANGKA! aayyiiii!

sige po, baka bawiin nyo pa ang pagiging klas S ko. :P

KaUste said...

KAYCIIES- Salamat!!! Tama ka at kailanagn talagang pagtuunan natin ang pansin ang "ngayon". Pagpalain ka!!


DAKILANG TAMBAY- Oo nga pero kailngan handa tayo sa mga consequences ng mga bagay na pinipili natin. Kung mapapaso ako sa apoy pero gusto ko itong mahawakan. Tanggap ko na posible akong masunog at masaya ako. Happiness is a choice nga. Godbless

Mel said...

@zkey, subagay, tama nga naman talaga... madalas ko kasi ipilit ang mga gusto ko ng mangyari na "tama" siguro marahil dun ako madalas magkamali

lolz, apir!

I Love Philippines! said...

Bakit napaaray ka Anino?

Ang gandang aral naman nito. Kahit alam na natin lahat to, minsan kailangan natin ng paalala tulad ng ganitong artikel.

KaUste said...

@MEl- Oo nga mahirap ipilit ang hindi ukol. Kung pagsasamasamahin natin ang lahat ng ating gamit sa isang maliit na kahon. Masisira ito at lalo tayong walang mapaglalagyan ng gamit..LOL


@ILOVEPHILIPPINES- Salamat. pagpalain ang buo mong sambahayan..

kai said...

Saktong Sakto. Very well said. I look into life this too, and I even consider my downfalls and tears as a blessing - cos then we'll know that we're human, we're normal. and soon after the tears are the well deserved happiness ;*)

lahat naman nalulungkot dba? we sometimes need to enjoy the feeling of being lonely kasi di naman pang forever yun. ehehe.

i love this entry zkey!!! ;D well written!

I Love Philippines! said...

Hi zkey! thnaks for the visit. about the current tour of carlos, i do not have any idea. and about the promo ng nescafe, mas wala akong idea...hehehe.. i am currently out of the country. you can checl out the post i had to see the link for the blog of carlos. all his scheds and fees and all you need to know are written there... moreover, he is a very congenial man. it is free to email or buzz him,,he answers it.

actually, i made an email to him and post in his site about his tour and he appreciated it... mabait naman yun so you can ask him anything. just see his site or blog for his tours.

KaUste said...

KAI- Tnx!!!! Galing mo talaga. Minsan dapat ineenjoy ang pagiging malungkot. Ang sarap din kaya ng feeling ng after the storm eh andOn ka pa rin at nakatayo...Godbless


ILOVEPHILIPPINES- Salamat cge try ko vist yung site nya some other time. Ingat. Pasalubong ko!!Godbless