May malaking parada ang naganap nitong huling Linggo ng Enero 27, 2008 sa Roxas Blvd. Pasay City. Linsyak! Napakaraming participants kumpara nung nakaraang taon. Ito ang taunang pagdiriwang ng Sto. Nino dito sa Pasay. Makulay, mahaba, masaya, mainit, maingay at makabuluhang ang nasabing parada. Maraming mga pakulo ang mga Ati-Atihan, kuya-kuyahan(hehe), musiko, banda at kung anik-anik pa. Mula Pasay ay paparada ang Sto. Nino hanggang Luneta. Nagismula ang paglakad ng mga Sto. Nino bandang 3pm at natapos ito ng pasado Alas-Otso na ng gabi. Imadyin!!! Napakahaba diba, limang oras na walang patid na tugtugan, tawanan, paagaw ng keyndi, piktyuran at pakyut sa mga nakikitang mardyoret(peace mommy). Kasama kong nanood si Kulay, Nanay(mwahh) at ang sangkaterba kong pamangkin. Ang dami nilang naagaw na keyndi at si Kulay naku po! Hanggang sa bahay eh sumasayaw at sumisigaw ng Viva! Viva! Sto Nino! Katuwa.
Iba't-ibang kalse ng Sto. Nino ang makikita. Nariyan ang bombero, pulis, mangingisda, panadero, siyentipiko, magsasaka at hindi ko lang napansin kung may Emo na Sto. Nino. At ito nga pala ang ilang piktyur na nahagilap ng kamera ko.
Ang Sto. Nino ay pinaniniwalang si "beybi Jesus" at isa sa mga tradisyong nakagisnan ng mga Filipino na nagmula sa bansang Espanya. Dala ito ng mga Emo ng Spain ng mag-long vacation sila dito sa Pinas. Hindi ko lang alam kung paano nag-evolve ang iba't ibang klase nito. Maraming dako sa Pinas ipandiriwang ang pista ng Sto. Nino. Nariyan ang Sinulog sa Cebu, Dinagyang ng Iloilo at Sto. Nino sa Tondo.
Sa mga karagdagang piktyur iclick lang ang link na ito Viva! Sto. NinoMaraming Salamat.Godbless
Sunday, February 3, 2008
Viva Sto. Nino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



9 comments:
waw.. daming tao. ahahaha... arghh.. wala ako alam sa ganyan. fiesta dito samin parang wala lang. bwahaha!
ZKEY,anong camera mo?
Maraming salamat sa suporta!
JAMI: Ganun ba Jami? Dibale sa susunod sama kita sa ibang piyestahan. Kakain tayo ng madami.hahaha
ANINO: Sony na DigiCam. Hindi ito yung baka iniisip mo na pang Pro. Hindi ko kaya yun. Inaarbor ko nga yung sa kuya ko eh kaso film sya kaya magastos. Linsyak!!! Walang ano man Anino!! Godbless sa ating lahat!!
Magastos nga ang film. Ang kagandahan sa digital,pwedeng kahit ilang beses kang kumuha dahil maaari namang burahin ang hindi magandang kuha.May bagong labas ang Canon.Malaki ng kaunti ngunit maganda.At MURA!
Medyo masaya pa ako sa digicam ko dahil maayos ang manual mode.
Ok tsek ko yung mga canon na baong mga model. Pero wala pa talagang budget eh.hehehe. Kaya tiis-tiis muna.Godbless
Familiar ka sa Dinagyang Festival....? Sa amin yun sa iloilo city, ganito rin sya makulay....! Great shots....! =D
Oo Pepe alam ko yung Dinagyang. Dapat nga pupunta ako kaso biglang nagpaalam yung nag-aalaga kay Kulay kaya purnada ang lakad...Godbless
waw! ganda ng mga kuha! haha.. na-aadik ndin kme sa ganyan.. kaso lomography nmn.. haha..
ganda ng mga kuha mo. :)
you heard of rdasia.com (readers digest site for asia) may photo contest sila. :)
Post a Comment