Wednesday, March 26, 2008

PAALAM!

Isang taon na din pala akong nagbaBLOG. Isang taong nagkwento, nakitawa, nagbasa sa blog ng iba, nakipagkaibigan, natuwa, nagkomento at nagiwan ng mensahe (Napadaan lang po Godbless) sa cute na mga chatter box. Nung una trip-trip lang ang pagbaBLOG ko pero after a month hindi ko namalayan na nagiging tahanan ko na din pala ito. Nakakatuwang magkwento at mas nakakatuwa kapag may nagkomento. Ibig sabihin may nagbasa ng entry mo at kahit papaano ay gusto nyang makipagkwentuhan syo.

Isang guro sa U.P. ang nagsabi sa akin magblog dahil napakadaldal ko daw. Kaya eto nga at nagkakilala TAYO. Si Deng(pinsan ko) at Oldskul(kababata ko at kapwa mangangakyat ng bundok) ang una kong naging friends dito hanggang sa nasundan ni Bunso na dating bluebelle ang dating blog name na ngayon ay "Mga agam-agam ni bunso", Vener at GraceMags na isa mga paborito kong manunulat sa blog. Mula friendster group(Bolpen@Kape) ay magkakasama na kami nila Bunso, Sirok(GraceMag) at Vener. Kaming tatlo lang ang nagpapalitan ng komento at ang laging magkakausap(hahaha) hanggang dumating ang isa pang kaibigan na si Pen Palaboy na mula sa friendster group ng mga manunula na pinirata(hahaha) ko para sumali sa group namin at si Oliver( Verso para Libertad) na walang sawang sumusuporta sa grupo(pare salamat).

Halos araw-araw ay nadadagdagan ang mga kaibigan ko sa blog at grabe marami na din kahit papaano ang mga nagkokomento sa mga kwento ko. Kaya walang tigil ako sa pag-Add ng mga bagong blog friends. Lahat ng link dito sa blog ko ay talaga namang binibisita ko araw-araw(Promise pa). Pero hindi lahat naiiwanan ko ng komento(sensya) pero sigurado naman nagiiwan ako ng mensahe na dumaan ako sa page nila.

Si Anino ang unang nagbigay sa aking ng award at nasundan pa iyon na galing naman kay Kweny at Pen Palaboy. Tuwang tuwa ako at ipinasa ko ang mga iyon sa mga friends ko din sa blog. Madalas ako sa page ni Anino dahil nagustuhan ko ang tema ng mga kwento nya at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos basahin(sensya na pare).

Medyo parang emo yung post ko pero wala eh kailangan ko na talaga sigurong magpaalam sa inyo. Hindi dahil sa wala na akong pambayad ng broadband kundi dahil kailangan lang talaga. Siguro babalik din ako pero hindi ko alam kung kelan baka bukas.

Salamat ng marami:

Shamille sa lahat-lahat(ILOVEYOU), Bunso, GraceMag, Vener, Oliver, Ironman, Bolpen@Kape at Pen Palaboy sa pagiging kasama sa panulat ng mga tula at hindi matatawarang pagkakaibigan Oldskul na aking kababata at kabigkis sa pag-akyat ng bundok, Anino na napakahusay magkwento ng kababalaghan(itaas mo!) at kay Kai(Teenage Pinay in the UK) na nakakatuwang magkwento sa blog, Mapi sa pag-invite mo sa akin sa forum, TinaPie ang manunulat ng UST na na aking officemate, Bea(rainbowmixed) ang Sikolohistang manunulat ng UP diliman, Kweny salamat sa award, Pepe(Astig Musuem) salamat sa pagiging kaibigan sa blog, Krisha ang batang AUS na manlilibre sa akin(hehehe) at ang tanging blogfriend ko na tumatawag sa akin ng KUYA, at sa lahat ng nakaLink at NaglinK sa blog ko MARAMING SALAMAT SA INYO for making the word "blog" as an enjoyable noun.

16 comments:

GraceMags said...

na shock ako at nahilo nang nabasa ko ang message mo sa chat box ko. bakit naman pare? huhuhu. talagang masakit sa dibdib pero ok lang. ganyan talaga ang buhay. may mga pagbabago talaga. i wish you all the best. i hope you achieve everything you hope for in life. talaga namang you deserve a good life.

makaalis na sa blog mo at baka maiyak ako.

bunso said...

kuya napaisip po ako kung saan ang iyong tungo..no secrets ha..you know what i mean...kuya mamiss po kita, actually miss na miss na kita! lalo na po ang kulitan natin sa chat! basta dito lang kami lagi para sa yo and hindi lang blog ang kaya namin gawin enjoyable kundi pati na ang life you!

ingat po lagi kuya! nawa eh magkita po ulit tayo! miss you po! godbless! take care always!

oldskul said...

saan ang tungo mo mahal kong kaibigan??

lilipad na ba kayo ni kulay?? painom ka muna ha!! heheh

mapi said...

awwwww. masarap mag blog kapag alam mo na may nagbabasa. hehe. salamat sa pagturing mo sakin bilang kaibigan. pinapahalagahan ko yun. masaya ko. :)

Bea said...

WAAAAH. Bakit, Zkey? :((

kai said...

nooooo way! joke??? hindi nga! madaya! bumalik ka dude. tsk. pero anyway, im sure you have to do something important, goodluck though. and see you in friendster, if ever. bug me lang anytime! ehe:) ingat ka lagi and to your kulay and wife.

Godbless.

- Kai

Verso para Libertad said...

Master Zkey!...nagparamdam ka na rin sa wakas! Para namang "mi ultimo adios" itong post mo na ito. i would like to believe na hindi tinutuldukan ng piyesa mong ito ang blog life mo...sulat lang. marami kaming nagbabasa ng mga gawa mo. ingat.

jericho said...

ey, congrats. mukhang medyo matagal ka ngang nawala. welcome back.

Pepe said...

Zkey, whatever the reason is good luck sa'yo pare.... If ever you'll need something in he future basta kaya ko tutulungan kita.... Just hit a button lang in my blog and i'll be there.... Ingatz palagi pare....! =D

lyza said...

Woi, congrats sa 1 year! Sana marami pang taon na dumating at ikaw ay nagbblog pa rin. Inggat!

Saminella said...

aalis ka na? o pasasalamat ito?



















?

adam brown said...

Hello I just entered before I have to leave to the airport, it's been very nice to meet you, if you want here is the site I told you about where I type some stuff and make good money (I work from home): here it is

pen said...

parang ako na lang ata d nagcocomment..sorry, wala access sa office sa blog mo, dko lam kung bakit.kaya ngayon ko lang nabasa..

two words... mixed emotion.

masaya dahil nakilala ko ang tulad mo, na nagbigay daan sa mga lagusan at oportunidad. nandon ka noong naging si "one dead poet" si pen..hanggang sa ngayon. isa ka sa nagbigay ng tinta sa panahong natutuyuan ang panulat ko. salamat! salamat! kahit isang libong salamat, hindi yon sapat. bagkus, salamat pa din.

malungkot kasi isa sa mga hatest words ko ang PAALAM. :( ewan, it's just not my cup of tea. pero alam ko may rason ka jan. isa man itong palaisipan sa karamihan, ika nga sa yo..PAGPALAIN! keep in touch kapatid!

...tulad ng isang ibon
tao ay lumilipad
pangarap ang tanging nais
na marating at matupad...


-tao [sampaguita]

Mel said...

malakas ang kutob ko na masusundan mo agad ang inilathala mo dito, kahet huling kurot man lang ng mga 'updates' mo hehe!

apir kauste!

wanderingcommuter said...

you deserb it dude...congrats din!

deng said...

Pambihira yan eh, unang una tinawagmo akong pinsan. tpos anong klase kang pinsan di ka man lang nag painom! hahahhaha