Friday, March 7, 2008

Update lang...


Feb. 23 and 24- Nasa bundok ako ng Mt. Romelo sa Fami Laguna. Usually nakukuha sya ng 1 at kalahating oras na dirediretso basta hindi umulan at maputik. Minsan matagal na ang 4 hours(tuwing umuulan at maputik) para marating mo ang campsite at makita ang pinaka-highlights ng lugar na ito at ito ang mga falls. Pero hulaan niyo kung ilang oras namin narating ang campsite? 7 HOURS! Tatlo lang kasi kaming talagang umaakyat ng bundok at yung iba eh puro beginner at mga babae, tapos dinagdagan pa ng ulan kaya maputik talaga sa trail. Sweeper ako kaya hindi ko magawang iwanan yung mga nasa huli, binuhat ko na din yung bag nung isa namin kasama dahil nakikita kong hindi na niya talaga kaya. Buti na lang at may dumaan na nagkakabayo kaya pinasakay ko na hanggang campsite yung isa naming kasamang babae. 4 na lang kaming naiwan at ako lang ang lalake.

Pero honestly enjoy talaga ako kahit sobrang hirap dahil maya't maya kailangan kong alalayan sila. May pagka high sensation seeker kasi ako. Nung makarating kami sa campsite napaiyak yung isa namin kasama dahil "siguro" sa tuwa o dahil "sa wakas" natapos din. At take note nakapaa ang mga kasama kong babae dahil hindi kinaya ng powers ng haviannas nila ang putik ng trail.hehehehe!

Puro putik yung mga paa at hita namin kaya agad kaming naligo sa falls. 10am kami nag-start magTrek at nakarating kaming apat ng 5pm. Kaya kinabukasan after breakfast kami nagExplore sa place. Umulan pa nung gabi at pinasok ng tubig ang tent ko, kaya ayun para akong natulog sa butas na waterbed.PANALO!!! Sunday afternoon nasa baba na kami ng bundok at nagplano magsidetrip sa Tagaytay para magkape. Pero hindi na ako sumama dahil miss na miss ko na si Kulay ko.

March 4- Dumating ang isa sa mga inaantay ko para sa pagpunta namin ni Kulay sa lugar ng mga Kangaroo. Kaya Krisha ihanda mo na ang panlibre at malapit na kami makapunta diyan.hehehehe. 15 minutes drive lang ata ang layo nila wifey sa place mo Krisha diba? Liit ng mundo noh? Madadagdagan ng 2 makulit na Pinoy ang AUS.hahahahaha.


March 6- Sumabog ang team(Hyperion) ko sa office. Kumalat kami at inampon ng ibang mga team. Nakakalungkot kasi, basta nakakalungkot. Sakto pang absent ang coach namin nung sabihin na "sorry wala na ang team nyo". Buti na lang kamo at napunta ako sa team na ok din dahil barkada ko ang coach nito. Pwede pa rin akong umbsent.hehehe. Sa mga teamates ko. SALAMAT. Magkikita pa din naman tayo sa production floor eh. Tsaka kay Coach Pao at kay Joy Lera(Itaas mo!)

5 comments:

TanTruM said...

wow ok ah...di nyo n pinuntahan ung batya batya?sarap dyn dude peksman...musta kna nga pla...

Anino said...

Huh?Babalik ka pa ba?

Anino said...

Huh?Babalik ka pa ba?

KaUste said...

Sa Pinas ba Anino? Siguro after ng ilang so many years.hehehehe.

Migrate na kasi kami ni Kulay dun eh.... nalulungkot talaga ako dahil sa mga maiiwan ko.... Godbless

lyza said...

Saya naman ng experience mo dun sa bundok! Ay mag mimigrate pala kayo -- o siya tuloy ang buhay! Mag kwento ka pa rin dito tungkol ng buhay mo dyan :D

Goodluck!!