Tuesday, January 29, 2008

Mt. Maculot Clean-Up

Nung Sabado ng umaga ay sumama ako sa kaibigan kong si Oldskul para sa isang clean-up sa Mt. Maculot sa Cuenca batangas. Isa ito sa bundok na madalas akyatin ng mga mamumundok dahil sa ganda ng tanawin dito. Kita mo ang Taal volcano at ang lake nito. Sa sobrang dami nga ng mga umaakyat dito every weekend eh hindi rin mapigilan ang pagdami ng basura kaya napagdesisyunan ng Adtrek(Grupo ni Oldskul) na magkaroon ng clean-up. At eto nga umepal ako na baka pwede sumama sa kanilang barkadahan dahil bukod sa 2 linggo ng purnada ang akyat ko sa Bulacan eh isa ako sa locals ng Cuenca batangas. OO! doon ang probinsya ko at purong batangueno ako. Tsaka si Oldskul din nga pala.

Mag-isa lang ako bumiyahe dahil sa Cavite pa magmumula ang mga makakasama ko kaya minabuti ko na lang na doon na sila tagpuin sa batangas. Gaya ng dating pag-akyat eh gumising ng maaga bumili ng dairy cream para sa mainit na pandesal at isang petsel na icedtea. Ligo habang nagpapatugtog ng ilan sa mga paborito kong mga kanta mula kay Bob Morley, B.B. king, Nora Jones(Ganda Nito woohhh IDOL), Brian Setzer at basta blues, jazz blues at country blues ayos na yun para maging ganap na tao ako sa isang buong araw.

Medyo late me ng dating dahil sa kabobohan ko sa pagkuha ng instruction sa akin ni Oldskul. Sira kasi ang tulay ng Cuenca kaya hindi makakadiretso ang mga bus at dyip sa mismong lugar namin kaya kailangan mong bumaba bago magtulay at maglakad hanggang sa trisikelan at iyon ang hindi ko nagawa kaya naglakbay pa ako ng napakahaba at kumalaban ng ilang engkanto para lang makarating sa rendevous namin sa palengke ng Cuenca. Pagdating ko sa palengke ay nag-almusal ulit ako dahil sa layo ng pinanggalingan ko.

Matapos ang paglamon ko eh ipinakilala ako ni Oldskul sa kaniyang mga kasama. Nakilala ko ang kanilang butihing Presidente at ang humabol na lamang sa bundok na kanila namang treasurer. Sampu kami lahat at ewan ko ba kung bakit wala akong maalala sa mga pangalan nila(sensya na po) talagang mahina lang siguro ako magmemorya ng pangalan. Pagdating namin sa campsite naku po bukas na ang 7-eleven(tindahan sa taas ng bundok). Nagpahinga muna kami at nagluch bago naglinis. Nakapuno kami ng sampung sako na puro halos bote ng alak at mineral water ang laman. Grabe ang dami pang dumating. May mountaineer, mga boyscout(at taga dito pa sa Pasay huh) at ilang militanteng grupo yata yun na naligaw(Joke). 3pm na kami bumaba dala ang sangkaterbang basura. Yung akin nga eh pinagugulong ko na lang kung minsan dahil mabigat. Buti na lang at matibay ang sako. Pagdating sa baba ay iniwan na lang namin sa isang tabi at bahala na daw dun si konsehal Emer. Nagpahinga lang kami at naligo para sa pag-uwi.

Sa Chowking Lipa batangas na kami kumain ng dinner at doon na din kami Ok ba ang Salamin ko?
naghiwa-hiwalay. Si Oldskul ang kasama ko dahil pareho kami ng way. Mauuna lang siyang bumaba dahil sa Alabang siya eh tapos ako sa Pasay at yung ibang mga kasama namin ay puro Cavite naman.

Masaya ang clean-up namin pero sana mapagtuunan ng pansin yun ng mga kinauukulan. Hindi ako pabor na maglagay ng tindahan sa itaas ng bundok dahil isa iyon sa dahilan ng pagdudumi ng lugar. Sympre hindi lang naman yun ang dahilan. Nariyan na rin ang mga iresponsableng umaakyat. Sabi nga ni Oldskul sistema lang daw ang kulang. Tsaka sana kung hindi mapigilang magtinda sa itaas eh di sila ang manguna sa paglilinis. Tutal nakikinabang din naman sila kahit papaano. Maglagay sila ng ilang malalaking basurahan at kapag puno na eh handa naman ang mga mountaineer na ibaba yun. Tulungan sana at hindi yung iaasa nila lahat sa mountaineer. Diba mas maganda sana kung pag-akyat mo eh makikita mong nakaseperate na ang mga bote sa plastik o kaya naman naka sako na sila para medyo konti na lang ang kailangang pulutin. So everytime na may aakyat at gustong maging bida eh di magbaba sya ng basura ayon sa pasya ng kanying puso kung ilang sako.
At pagdating niya sa ibaba ay ipagbubunyi siya ng mga tao(Clap!Clap!Clap!). Ito ay suggestion lang naman at hindi ako nagrereklamo(ang bigat kaya nung akin).

Ano sa tingin mo?


Salamat nga pala sa Adtrek at kay Oldskul(kailan ba magiging Newskul yan), Ka Manuel at konsehal Emer at sa mga nakasalamuha namin sa itaas ng bundok. Sta. Clara Boyscout, yung nagbigay ng Yosi ang gaganda daw ng kasama nyo sabi ni Oldskul(hehehe), mga nakasalubong namin sa trail at nag-imbita sa Isabela salamat po. Kay tikbalang salamat at hindi ka nagpakita. Mabuhay tayong lahat. Hanggang sa muling PAGAHON!!!!!!!!




Ako lang walang pandong sa ulo yata.....

Tuesday, January 22, 2008

Si Kulay!

Nung Sunday ng gabi ay inatake na naman ng asthma ang anak ko. Buti na lang eh hindi masyadong grabe pero ang mahirap eh may kasamang lagnat. Kaya naku puyatan na naman talaga. mahirap din talaga kapag mag-isa ka lang. Wala akong makatulong kaya everytime na he needs to blow up chunks eh talaga naman linsyak napakahirap.

Salamat sa diyos at ok na siya ngayon at eto gusto ng maglaro ng computer. Salamat sa Nebulizer na nakatulong ko sa pagpapatulog sa anak ko. Goodbye hika sana huwag ka ng bumalik utang na loob.

Maiba ako eto ang pix nga pala ng anak ko na napag-tripan naming mag-ama. MAhilgi sya sa music sobra kaya gumawa kami ng fake magazine cover. Kunyari lead vocalist daw siya ng bandang "Hey! That's my Nebulizer" hahahaha at may concert sila together with some guest bands. Ito ang pix!!! Godbless!!!






Hayan na nakita nyo na lead vocalist ng Hey! That's my Nebulizer band. Si kulay yan my son. Huwag ka na nang umangal kung mas pogi sa akin yan ok?. Magandang Umaga! Godbless.

(See Hey! That's my Nebulizer band this coming summer and have a chance to win 100 pcs. Ventolin Nebule. See your Pedia for more details)


Guest band: Asthma Fever
Clear Lungs
Check that Cough
Hold your breath
Salbutamol stinks
Omron Nebulizer
Smell the Dust
Daddy my throat is aching!
I hate Asfrenon!

Monday, January 14, 2008

Sinong may balat sa pwet????

Natatawa ako sa title ng bago kong post. Mangyari kasing meron ako nito(hahahaJOKE). Kaya ito ang title ko eh dahil sa hindi inaasahang buhos ng ulan nitong nakaraang Sabado at Linggo. Akalain mong kung kelan nakaplano na ang pagakyat namin eh bigla namang lumuha ang langit. Sabado pa lang ng umaga eh nagsimulang umiyak ang langit hanggang gabi ng magdamag. Kaya wala akong nagawa kundi ang ipostponed ang pagalis namin. Unang-una delikado at siguradong hindi mag-eenjoy ang mga kasama kong mga babae dahil puro first timer ang mga iyon. Pangalawa ay siguradong hindi kami makakaligo sa ipinagmamalaki kong ilog dahil siguradong kulay tsokolate na iyon dahil nga umulan. Kaya no choice talaga. Kaya nagtxt ako kaagad sa kanila na purnada ang lakad namin.

Halos lahat sila nanghinayang dahil gusto talaga nila maranasan ang pagakyat. Kaya mamaya pagpasok ko sa office ay sasabihin ko sa kanila na iresked na lang namin. Wala naman mababago sa plano maliban sa date ng pagalis eh. Sayang talaga(sigh), at ito pa, nagtxt ako dun sa contact ko sa lugar ng aakyatain namin na hindi kami matutuloy dahil nga sa panahon kaya next time na lang siguro. Tapos biglang sabi nya "ZKEY ganda ng panahon dito walang kaulan-ulan at masaya ang ilog". LINSYAK!!!!!

Pero dibale siguradong matutuloy din naman ito eh at sigurado akong madagdagan pa kami. Kaya siguradong mas masaya yun. Sana sa susunod matuloy na sya. HARINAWA!!!

(Jerome ayan makakasama ka na)