May tatlong araw sa mundo na madalas ay hindi natin lubusang naiintindihan. Mga pagkakataong akala natin ay basta na lang nariyan o dumadating. Minsan, hindi natin akalain na ang tatlong ito ay mahalaga pala at sadyang kailangan bigyan ng pansin.
Unang araw ay ang KAHAPON, ito ang araw na kung saan na ang mga bagay ay natapos na. Mga bagay na kahit ilang milyong piso o anumang yaman sa mundo ay hindi na maibabalik pa. Mga salitang sinabi natin, mga bagay na ginawa at mga pagkakataong pinalampas. Minsan mas panghihinayangan mo pa ang bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga ginawa mo. Kaso wala na namang magagawa dahil nakalipas na. Lahat ng nangyari ay magiging isang kwento na lamang.
Tapos narito pa ang isang araw na mahalaga din. Ang BUKAS. Nariyan ang pag-asam natin na sana matapos na ang ulan at umaraw naman kinabukasan. Mga pangarap at kung ilang libong "sana" at "harinawa". Malaki ang pangako ng BUKAS, SUBALIT hindi tayo nakatitiyak kung ito ba ay aayon sa ating mga kagustuhan. Wala tayong kontrol sa anumang maaaring mangyari. Lahat ay nakadepende sa dasal at pagkilos at matiyagang paghihintay. Talo ang mainipin ika nga ng iba. Kaya kahit anong yaman din sa mundo ay hindi kayang ipangako ang mga bagay na darating. Kung ang iba ay umaasam ng pagsikat ng araw sa kinabukasan, ang iba naman ay naghihintay na lang ng paglubog nito. Ano nga kaya ang mangyayari bukas?
Narito naman ngayon ang araw na sadyang hindi natin pansin, isang pagkakataong minsanan lang. At ito ay ang NGAYON. Mga pagkakatong nasa iyong harapan at nasa iyong kamay. NGAYON ay ang siyang bumubuo sa KAHAPON. Mga bagay na may kontrol tayo mga pagkakataong maaari natin maganap ang lahat. Ito ay isang regalo na madalas ay ayaw nating buksan at hindi natin pinapansin. Mga pagkakataong ibinibigay natin kay KAHAPON na hindi man lang natin nabibigyang halaga.
Sabi nga "Happiness is a choice". Ikaw ang magsasabi kung saan mo gusto pumunta at hindi ang kung sinoman. You have to create your own life and live it with absolutely no regrets. To hell sa mga taong hindi naniniwala na kaya mo. 24 hours lang meron ang isang araw. Pwes anong gagawin mo? Iiyak, magmamakaawa, magmumukmok sa isang tabi.
Hindi ko sinasabing huwag kang malungkot o mabuhay ng walang pakialam sa mundo para maging masaya. Pero bigyan mo naman ng space at pagkakataon ang sarili mong magkamali, bumagsak at tumayo ng hindi nagpapagpag ng dumi. Ang NGAYON ay saglit lang kaya kung patulog-tulog ka sa pansitan magiging dull at walang kulay ang KAHAPON mo. Hindi man natin alam ang magiging bukas, at least nasabi mong MAHAL NA MAHAL KITA, AYOKO NA, SORRY at kung ano pa man.
Araw-araw may mga dumadating sa buhay natin na hindi natin akalain. May maganda, pangit, ok lang at parang wala lang. Basta ang mahalaga ay may ginawa ka at hindi steady lang boy/girl. Hindi natin alam kung sino ang maaaring dumating sa buhay natin. Pwedeng long lost friend, choirmate, teacher, klasmeyt, tindero sa kanto, blogmate o complete stranger talaga. Makinig ka sa mga kwento nila dahil marami kang mapupulot na aral. Minsan sa kanila mo matututunan ang mga bagay na hindi itinuturo sa eskwela.
Ang mga karanasan mo ang gawin mong hagdan at gawing salamin ang karanasan ng iba. Kung hindi ka tatayo ay matatapakan ka talaga. Kaya huwag mong sayangin ang 24 hours na regalo. Gawin mong makahulugan at makulay ito na may pagtatangi at pagmamalaki na sa 24 oras na regalo ay naging MAKAHULUGANG tao ka at hindi walang kwentang TAE.
Ito ang isang puting papel, isang set ng krayola at isang bagong tasang lapis.
Anong gagawin mo?
Tuesday, February 26, 2008
Tatlong Araw
Posted by
KaUste
at
6:35 AM
25
comments
Labels: kwentuhan
Thursday, February 21, 2008
Star Wars Battle Front: Renegade Squadron Entertainment Pack
Salamat at sa wakas ay sinipag din akong mag-update. Well 2 araw din kasi akong may trangkaso at eto medyo sinisipon pa(singhot)hanggang ngayon, kaya tamad na tamad akong magkwento. Malas nga din at hindi ako nakasama sa akyat nila Oldskul nung sabado sa Mt. Manalmon. Kaya eto medyo nanghihina at kailangan na naman ng ehersisyo. 2 weeks na din akong walang jogging eh. Kaasar!!!
Star Wars Battle Front Renegade Squadron Entertainment Pack. Ano ba ito? At bakit ito ang title ng post ko ngayon?
Ito ang bagong laruan ngayon ni Kulay at ako na rin SYMPRE. Limited edition daw sya ng PSP slim at may kasama ng bala nga ng Star Wars battle Front Eklavu Churva at may sticker pa ni Darth Vader sa likod. Honestly ayoko talagang bumili ng PSP dahil parang naluluhuan ako. Hindi ako sanay bumili ng gamit na will cost me an arm and a leg. Kasi hindi naman kami mayaman para gumastos ng hindi naman kailangan talaga. Pero dahil sabi ni misis na kaya nga daw sya nagpapakahirap sa trabaho sa ibang bansa eh para mabili nya ang mga gusto ng anak namin. Tsaka tutal naman daw eh nag-iisa pa lang naman daw si Kulay kaya wala daw masama kung ibibili namin sya. Ok pero medyo nahihiya ako kay wifey ko kasi wala akong ganoong kalaking pera para ibili si Kulay. Sakto lang talaga sa grocery namin ni Kulay at konting pang Time ZOne namin mag-ama. Buti na lang at nagpadala agad si misis. Iloveyou mommy.Mwahhhh
Bago ako bumili eh tumingin ako ng mga reviews ng mga PSP slim sa internet. Gusto ko kasi alamin kung ano ba ito at kung anong magandang bilihin na makakamura kami at sulit. Nagtanong-tanong din ako sa mga katrabaho ko na may PSP kung magkano ba ngayon ito at kung saan ako dapat bumili? Naglibot din ako ng Green Hills at Makati para tumingin. Tapos tumingin din si misis sa AUS para maicompare namin kung magkano ang deperensya ng price dito sa Pinas.
12k ang bili namin ni Kulay sa Makati ng PSP namin. Mahal sya kumpara sa mga binebenta sa mga ibang game shop. Meron ngang package deal na eh, 12k din pero may kasama na 4gig na memory, headphone, pouch, crystal case, strap at ang mismong unit tapos lalagyan pa nila ng games yun kahit anong gusto mo. Eh yung nabili namin ni Kulay eh yung Unit lang mismo at battery at charger at yung kasamang bala na Star Wars Battle Front Kembot Chenelyn. Medyo mas mahal siya pero ang habol ko kasi dito eh yung sigurado ka sa Unit mo. As in hindi pa sya nagagalaw at namomodify. Sure ka din na Orig yung keypad controls mo at yung battery at charger mo. Unlike dun sa iba na package nga pero puro class A din lang naman yung mga kasama niya tapos hindi ka sigurado kung hindi ba napalitan ang mga piyesa nun. Diba mas ok naman na medyo mapamahal ka na ng konti basta sigurado ka sa unit mo?
So ayun napabili nga kami pero ang problema eh hindi sya pwedeng downloadan ng games kasi nga hindi pa siya namomodify so kailangan kong ipaModify pa ito. Dahil kung hindi kailangan kong bumili ng mga bala nito na ang pinakamura ay nasa 1,500 ata. Linsyak!!!
Sabi naman ng pinagbilihan ko ay walang problema kung ipapamodify ko kasi andun naman daw ako kaya makikita ko kung papalitan nila ng battery yung unit ko. Sa madalng sabi ganun ang ginawa ko at pinalagyan ko na din ng mga games yung binili ko din na 4gig na memory. 
Pag-uwi ko sa bahay ay tuwang-tuwa ang buong pamilya. May PSP na kami!!!! Nagsisigawan ang lahat ng pamangkin ko kasama ang nanay ko ng PSP!PSP!PSP. Tawa ako ng tawa kasi nakataas pa ang mga kamay nila. Napakasaya namin lahat. Si nanay kahit hindi nya alam yung binili ko masaya sya dahil nakikita niya na masaya ang mga apo niya. Nag 1.5 coke pa nga kami after lunch sa sobrang saya eh. HAHAhAhAhA. Salamat lovey sa regalo mo sa amin huh. Iingatan namin ito ni Kulay PRAMIS!!!! PSP!PSP!PSP! NAKAKAADIK KAYA ATA AKO NAGKASAKIT!HAHAHAHA
Para sa dtelaye ng Star Wars Battlefront Renegade Squadron Pack ay iclick lang po ito. PSP
Posted by
KaUste
at
9:04 AM
11
comments
Labels: kwentuhan
Monday, February 18, 2008
Blog of The Month
I recieved this award from KWENY. Maraming salamat.
Nais kong ipasa ito sa kina Pepe, Bea, Noime, Saminella
, Bluebelle, Wandering Commuter, Oliver at Mishi. Happy blogging sa lahat. Godbless.......
Posted by
KaUste
at
6:55 AM
10
comments
Labels: kwentuhan
Thursday, February 14, 2008
Eugene.........
Kung inaakala mong tapos na ang lahat ay nagkakamali ka.
Nag-uumpisa pa lang ang laban at hindi ako susuko.
Hindi ko hahayaang mawala ang apoy sa aking espiritwal na espada
at huwag sanang magtagpo na ang iyong lakas ay subukin ang sa akin.
Si Vincent ay pagod na rin at wala na si Jeremiah.
Saan ka kukuha ng lakas, kay Jenny?
Nakakatawa ka kapag nagkaganun.
Huwag mong hayaang hugutin ko ang kaluluwa mo.
Sa puntong ito ay ako ang lalaban kung hindi mo kaya.
Manood ka kung paano ko pahalikin sa lupa ang mga naghahariang uri.
At makita mo na ang kanilang dugo
ay babasain ang lupang tinuyo ng kanilang kahangalan.
Ako si Alfred,
at
sa akin magmumula ang katapusan ng mga halimaw na ito.
NGAYOn NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Posted by
KaUste
at
6:53 AM
16
comments
Labels: Tula
Saturday, February 9, 2008
5 Star blog Award
Maraming salamat kay Anino dahil sa ipinagkaloob niyang gantimpala.
This 5-Star Blog Award is given to a blogger whose blog is of highest classification.A blog of excellence in the following criteria:- content, design and style, informative and accomodating
Nais kong ipasa ang gantimpalang ito kay: Kai, Caustic-Thoughts, Pen Palaboy, Krisha at BolpenatKape
Maraming Salamat sa inyo..... Pagpalain tayong lahat.
Posted by
KaUste
at
1:45 PM
9
comments
Labels: kwentuhan
Tuesday, February 5, 2008
Si Efil, Ako at Isang Maikling Kwento
Masaya ang mga araw ko noon. Hindi ko malilimutan ang mga bagay na akala ko ay walang katapusan. Sa murang edad ko na walo ay naramdaman ko na agad ang umibig. Ewan ko ba, basta masaya ako kapag nakikita at naglalaro kami ni Efil. Magkababata kami at magkaibigan ang aming mga magulang family friend sabi nga. Simple lang si Efil at iyon ang labis na nagpatibok ng puso ko. Mabait siya at maaalahanin. Siya rin ang madalas na magtanggol sa akin sa tuwing pinaiiyak ako ng iba pa naming kalaro. Naalala ko pa ng minsang mapaaway siya ng dahil sa akin. Grabe talagang hindi niya tinantanan sa suntok. Ako naman eh di puro sigaw at awat lang ang nagawa. Ano bang maaasahan niya sa akin eh bukod sa maarte eh takot kaya ako sa away. Pagkatapos ng insedenteng yun eh wala ng nanloloko sa akin. Takot lang nila kay Efil.
Highschool ay lalong tumindi ang nararamdaman ko sa kanya. Iisa pa rin kami ng eskwelahang pinapasukan at magkaklasmeyt pa kami. Sabay kami pumapasok, umuuwi at magrecess. Madalas din kaming dumaan sa paborito naming pasyalan. Ito ang falls sa taas ng bundok na madadaanan papasok ng eskwelahan namin. Maganda dito dahil ang binabagsakan ng tubig ay parang isang malaking planggana lang at para siyang swimming pool at mula roon ay tanaw mo ang buong lugar namin. At ang mga paligid nito ay puro bulaklak at puro damo. Para ka talagang nasa paraiso. Madalas pa nga siyang pumitas doon ng bulaklak at inilalagay niya sa tenga ko. Tapos sabay kaming mag-dive at sisigaw habang magkahawak kamay. Hindi ko malilimutan ang mga araw na yun. Halos tuwing walang pasok ay naroon lang kami. Magpapaalam na may gagawing project sa bayan. At dahil mabait at magkaibigan nga ang pamilya namin ay madalas ay pinapayagan kami. Doon din kami sumumpa na "walang iwanan". Magkaibigan hanggang sa huli at kinilig ako ng minsang sabihin niya sa akin na hindi siya aalis sa tabi ko. Para akong nasa ulap ng araw na iyon.
Minsan halos hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero natatakot ako na baka magbago at mawala ang pagiging magkaibigan namin. Kaya hinahayaan ko na lang ang ganoong sitwasyon.
Hanggang sumapit ang 4th year highskul namin ay hindi kami naghiwalay ni Efil. Palibhasa'y sabay kami lagi magpaenrol(ako ang sumasabay) kaya lagi kaming magkaklasmeyt. Marami akong natutunan sa kanya. Kung paano kumilos ng maayos, magsalita ng tama, maging magalang sa lahat at bigyang halaga ang sarili. Binata na sya at dalaga na siguro ako kaya siguro panahon na para malaman niya. Pero hindi ko alam kung paano. Natatakot ako, paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung kaibigan lang ang turing niya sa akin? Hindi ko yata kaya. Ayokong mawala siya sa akin. Siya ang buhay ko at siya ang lahat sa akin. HINDI PA YATA AKO HANDANG MASAKTAN!!!
JS prom namin, at handa na ako. Alas-Otso ng gabi maguumpisa ang programa. Alas-Sais ng gabi ng maghiwalay kami ni Efil galing sa aming "hardin"(tawag namin sa tagpuan namin) sa itaas ng bundok. Bago siya umalis ay sinabihan niya ako na huwag na huwag daw na hindi ako pupunta ng JS dahil may sasabihin siyang importante sa akin na matagal na niyang gustong sabihin at may sorpresa daw siya sa aking regalo. Doon na daw kami magkita sa skul. Gusto kong lumundag sa saya dahil sa wakas ito na yata ang hinihintay kong pagkakataon.
Si tatay ang naghatid sa akin sa skul. Pagdating ko sa eskwelahan namin ay naguumpisa na pala. Humalik ako sa aking tatay upang magpaalam at sinabi niya sa akin na "Hanapin mo na si Efil at baka may kasayaw ng iba yun". Errrr!!! Kainis alam ata ni tatay na may gusto ako kay Efil. Bago siya tuluyang nagpaalam ay hinabilinan niya ako na huwag masyadong magpagabi at magpahatid kay Efil pauwi.
Hinanap ko si Efil pero wala pa sya, Alas-Diyes na ng hatinggabi subalit wala pa rin ni anino niya. Mag-isa lang ako sa aking upuan at bahagyang nangiti sa tuwing binabati ako ng aking mga guro at klasmeyt. Asan na si Efil? Bakit wala pa siya? Tanong ko sa sarili.
Maya-maya ay dumating si tatay at humahangos. Umuwi na daw ako at si Efil.... Ano si Efil? Kinakabahan na ako, "ano ba ang nangyari"? Tanong ko sa aking tatay. Si Efil daw naaksidente sa bayan at nasa ospital at malubha. Ano!? Ito lang ang mga katagang nabitawan ko. Hindi na naghintay pa ng sandali ang aking mga mata at agad itong lumuha. Si Efil, sana hindi totoo ang balita ni tatay sa akin. Madali naming binagtas ang daan pauwi at mula sa bahay ay agad kaming tumulak papuntang ospital ng bayan dala ang traysikel ni tatay.
Pagdating namin sa ospital ay naroon ang mga magulang ni Efil. Walang tigil sa pag-iyak ang nanay niya. Bigla na lang yumakap siya sa akin at sinabing "Wala na si Efil, iniwan na niya tayo" at sabay bigay sa akin ng card at maliit na kahon na may balot pang-regalo at nakapangalan sa akin. Nakuha daw iyon sa bag ni Efil ng maaksidente siya. Nang buksan ko ang maliit na regalo ay isang munting singsing na may tatak na pangalan naming dalawa at ang nilalaman ng card ay ang mga katagang pareho namin nilihim sa isa't-isa ng matagal na panahon. Mula sa kinatatayuan ko ay parang gumuho ang buong langit sa akin. Hindi totoo at isang panaginip lang ang lahat ng ito ang sabi ko sa aking sarili. Subalit ano mang pagtanggi ay tila wala na akong magagawa pa. Tumakbo ako sa kwarto niya upang yakapin si Efil. Niyakap ko siya at humagulgol ng iyak. "Hindi totoo ito, Efil please gumising ka, please Efil please huwag mo akong iwan, MAHAL NA MAHAL KITA EFIL. Diba sabi mo na walang iwanan, pero bakit ka lumisan. Efiillll...." Ito ang kwento niya at kwento ko na rin.
Lumipas na ang sampung taon at ngayon ay magtatapos na ako bilang isang doktor ng Medisina at papalipad papuntang Amerika upang hanapin ang bukas na maaaring naghihintay sa akin. Hindi ko malilimutan ang isang kwentong itinuro sa akin ni Efil. Isang kwento na sadyang isinulat niya sa aking puso. Isang kwento na kasama ko hanggang may kailanman.
Nagmamahal,
Mimi
Posted by
KaUste
at
5:44 AM
17
comments
Labels: Maikling kwento
Sunday, February 3, 2008
Viva Sto. Nino
May malaking parada ang naganap nitong huling Linggo ng Enero 27, 2008 sa Roxas Blvd. Pasay City. Linsyak! Napakaraming participants kumpara nung nakaraang taon. Ito ang taunang pagdiriwang ng Sto. Nino dito sa Pasay. Makulay, mahaba, masaya, mainit, maingay at makabuluhang ang nasabing parada. Maraming mga pakulo ang mga Ati-Atihan, kuya-kuyahan(hehe), musiko, banda at kung anik-anik pa. Mula Pasay ay paparada ang Sto. Nino hanggang Luneta. Nagismula ang paglakad ng mga Sto. Nino bandang 3pm at natapos ito ng pasado Alas-Otso na ng gabi. Imadyin!!! Napakahaba diba, limang oras na walang patid na tugtugan, tawanan, paagaw ng keyndi, piktyuran at pakyut sa mga nakikitang mardyoret(peace mommy). Kasama kong nanood si Kulay, Nanay(mwahh) at ang sangkaterba kong pamangkin. Ang dami nilang naagaw na keyndi at si Kulay naku po! Hanggang sa bahay eh sumasayaw at sumisigaw ng Viva! Viva! Sto Nino! Katuwa.
Iba't-ibang kalse ng Sto. Nino ang makikita. Nariyan ang bombero, pulis, mangingisda, panadero, siyentipiko, magsasaka at hindi ko lang napansin kung may Emo na Sto. Nino. At ito nga pala ang ilang piktyur na nahagilap ng kamera ko.
Ang Sto. Nino ay pinaniniwalang si "beybi Jesus" at isa sa mga tradisyong nakagisnan ng mga Filipino na nagmula sa bansang Espanya. Dala ito ng mga Emo ng Spain ng mag-long vacation sila dito sa Pinas. Hindi ko lang alam kung paano nag-evolve ang iba't ibang klase nito. Maraming dako sa Pinas ipandiriwang ang pista ng Sto. Nino. Nariyan ang Sinulog sa Cebu, Dinagyang ng Iloilo at Sto. Nino sa Tondo.
Sa mga karagdagang piktyur iclick lang ang link na ito Viva! Sto. NinoMaraming Salamat.Godbless
Posted by
KaUste
at
7:35 AM
9
comments
Labels: Adbentyur


